Sa dami ng gusto ko, di ko alam kung ano isusulat ko. But right this minute, gusto ko ng bakasyon grande! Sa isang magandang lugar na malapit sa dagat o ilog, tahimik, pwedeng magbasa maghapon habang nakahiga sa duyan, walang ulan at maaliwalas ang hangin. Pero kailangan ko nga ba ng bakasyon, o nangangati lang ang paa ko? Sa mga bagay-bagay naman, gusto ko ng bagong cell phone kasi may tantrum na itong cell phone ko. Gusto ko rin ng bahay sa tabi ng bangin---hindi dahil gusto kong tumalon ha, gusto ko lang magandang view pag-gising ko sa umaga. At ang pinakagusto ko sa lahat...sana mag-desisyon na ang dapat mag-desisyon para hindi na ako mag-iisip ng kung anu-ano.:p
My riches consist not in the extent of my possessions, but in the fewness of my wants. ~J. Brotherton