
Mga natuyong driftwood sa baybayin ng Cagbalete Island. Galing sa isang ordinaryong puno na nililok ng klima at panahon, at naging katangi-tangi.Naiisip ko ang iba't-ibang lugar na maaring panggagalingan ng bawat piraso ng kahoy. Nakakaaliw pag-isipan ang pinagmulan at paglalakbay ng bawat sanga o puno, kung paano ito nakarating dito, at kung anong pwersa ng kalikasan ang nagdala nito sa aking kinatatayuan. Naihahambing ko tuloy ito sa buhay, kamatayan at pagkabulok. Mga tuyong labi ng kahoy, makinis, maligasgas, pabilog o di kaya'y namamaluktot---nagpapaalala sa akin ng mga buhay na nilikha at minsan, mga kalansay. Tunay na makahulugan at kaakit-akit.
I found these dry pieces of driftwood along the shores of Cagbalete Island. Natural elements have sculpted unique patterns and shapes on these ordinary pieces turning each driftwood into something extraordinary.Driftwood reminds me of other places---every piece of wood has come from somewhere else! It is a pleasure to wonder about the origins and journeys of the each piece, how it came to be here, what forces of nature have brought it to these shores. It makes me think of life, death and decay. The bleached remains of trees, smoothly rounded or wrought into contorted shapes remind me of living creatures and or skeletons. It is both symbolic and fascinating.

















