
May kakaibang pakiramdam na dala ang kadiliman. Ang mga bagay na hindi karaniwang kinakatakutan sa liwanag ay parang nag-iiba ng anyo pag inaaninag sa dilim. Bakit nga ba tila may nakaabang na panganib sa dilim? May malalim na takot na pumipigil sa atin upang subukan ang mga bagay na hindi natin alam. Mas pipiliin natin ang mga bagay at sitwasyon na alam na natin. Sa kadiliman, hindi pamilyar ang ating mga hakbang, hindi natin nasisilip ang lubak-lubak na daan, at kung ano ang nasa dako pa roon. Ngunit kadalasan, ang likas nating takot sa dilim ay nagliligtas sa atin sa kapahamakan. Mula kabataan, nakasaksak na sa isipan ko na sa madidilim na sulok ay nandon ang mga gagamba, alakdan, ahas at iba pang nakalalason na hayop. At ang mga paalala ng ating mga magulang: H’wag dumaan sa madilim na lugar, baka may holduper. Pag dumidilim ang kalangitan, ipasok sa bahay ang mga sinampay. Ang madilim na bahay ay naputulan ng kuryente---version ko pala yon...ang sabi ng nanay ko ay---ang madilim na bahay ay lapitin ng maligno. At ang peyborit ko---ang naglalaro sa dilim ay nabubuntis este nadadapa pala.
Teka, dumidilim na ang paningin ko!
Bisitahin ang Litratong Pinoy.








































