Showing posts with label nanay. Show all posts
Showing posts with label nanay. Show all posts

Wednesday, October 8, 2008

Litratong Pinoy: Luma Na (aged)


Luma na talaga ang litratong ito ng nanay ko. Dalagang Pilipina, 20 taong gulang ang nanay ko noong 1963 nang kinuha ang litratong ito. Nasira na sa tagal ng panahon na nakatago lamang sa kanyang aparador. Mabuti at natagpuan ko noong isang taon at balak ko sanang ipa-restore. Maraming nagsasabi na kamukha ko raw ang nanay ko---ayaw namin parehong pumayag. Sabi n'ya mas maganda s'ya at sumasang-ayon naman ako.:D

This is an old photograph of my mother, taken in 1963 when she was 20 years old. Time has ruined this photograph that she kept in her dresser for many years. I finally found it last year and thought of having it restored. People say that I look like my mother---we both disagree---she says she's prettier, and I agree with her.:D


More old/aged treasures at Litratong Pinoy.

Wednesday, August 6, 2008

Litratong Pinoy: Ako (o Parte Ko)


isang "parte ko"


Medyo nahirapan ako sa tema ngayong linggo---Ako (o parte ko). Hindi ko alam kung ipapakita ko ba ang aking mga binti, kalyo, peklat o tattoo. Naisip ko, tutal wala naman masyadong ginagawa ang aking kaliwang kamay, s'ya na muna ang modelo.


Ang mga kamay ay maraming nagagawa para sa atin---sila ay ginagamit nating panghipo, panghawak, panghimas, pangangalabit, pangkaway, pang-apir na rin. Ang kamay ay mahalagang bahagi ng ating pagkatao at kung paano natin tinitingnan ang ating sarili.


Isang "parte" naman ng aking pagkatao ay ang aking Nanay. Nanggaling sa kanya ang kalahating porsiento ng aking genes. Hindi man perfect ang relasyon namin noong aking kabataan, ngunit ngayon ay nagkakaintindihan na kaming dalawa. Kahit isinumpa ko no'ng ako'y 13 na hinding-hindi ko s'ya gagayahin, aaminin ko man o hindi, maraming pag-uugali ang namana ko sa aking ina. Natanggap ko na...gano'n talaga ang buhay (hehe)!



my mother

I find this week's theme a bit difficult. I was ambivalent if I'd show off my legs, corns and calluses, scars or my tattoo (hehe). But since my left hand was not busy, it will do as my model.

Our hands do so much for us---they are capable of touching, feeling, holding, grasping, manipulating, waving, do high-fives and more. They are an important part of who we are and how we see ourselves.

Our hands are more than mere anatomical tools that perform tasks for us. They also help interpret the world for us and express who we are.


Another part of my being an individual is my mother. Half of my genes came from her. Although our relationship was not perfect during my teenage years, we pretty much understand and appreciate each other now. I swore when I was 13 that I would never, ever be like her, but it looks like I inherited much from her (which is not so bad, I realize :D). There's no escape from it so it's best to accept it with an open heart and mind...believe me, it's the beginning of wisdom.:D


For more photos, please visit Litratong Pinoy.