|
@ mirandablue Silent Companion by Seb Chua |
Gusto kong bigyan pugay si Seb Chua, ang gumawa ng sculpture na ito sa Eastwood Mall. Istatwa ng aso at tao na tinawag n'yang "Silent Companion".
|
click to enlarge |
Nakakalungkot ang kalagayan ng maraming aspin na pakalat-kalat sa kalsada. Naturingan na "man's best-friend" pero bakit maraming umaabuso sa aso? Nag-aalala ako kapag umuulan kung may nasisilungan ba sila. Nakakakain ba sila at hindi pinag-mamalupitan?
Ang pag-alaga ng anumang hayop ay isang responsibilidad. Nagugutom, nauuhaw, nasasaktan at nangangailangan sila ng kalinga. Sana h'wag balewalain at pabayaan na lang.
Si Fritz, ang aking tahimik na kaibigan at kasama. Naghihintay at masayang sumasalubong sa akin sa pinto, taga-gising ko sa umaga, nakakapawi sa pagod, nakakapagpangiti at nakakapagpasaya sa akin, at tahimik na nakikinig lang sa mga hinaing ko. Hindi man s'ya nakakapagsalita, alam n'yang mahal ko s'ya. At sa pagkawag lang ng kanyang buntot, alam kong masaya din s'ya.
|
@ mirandablue Fritz- My Silent Companion |
“He is your friend, your partner, your defender, your dog. You are his life, his love, his leader. He will be yours, faithful and true, to the last beat of his heart.”
For Thursday Two Questions:
1. Would you prefer silence or angry words?
2. If your dog/cat could talk, what would he/she tell you?