
Isa sa mga paborito ko ang masigla at masayang kulay na kahel. Ang tingkad ng kahel ay nagbibigay buhay at ganda sa kalikasan---mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw, iba't ibang shades of orange ang makikita sa kalangitan; mga nalagas na dahon, ang makukulay na balat ng carrots, bell pepper, ponkan, papaya, tiesa, persimmon at mga bulaklak katulad ng matingkad na African daisy sa itaas. Nakakapukaw daw ng damdamin ang kulay na ito, pati na gana sa pagkain, kaya madalas natin nakikita ang kahel sa mga restaurants, comedor, kusina at playrooms. Sa mga gustong magpapayat ngayong taon, umiwas sa kulay na ito!:D
Sa taglamig, ang kahel ay nagpapaalala ng kapanahunan ng tag-init---ng mga sandali sa balkonahe habang palubog ang araw, ng payong at ice cream, ng matamis na buko juice at siesta sa ilalim ng puno ng mangga.
persimmon, "fruit of the gods" at the Market! Market!The vibrant and cheerful orange is one of my favorite colors. Its intense color gives life and beauty to nature---from sunrise to sunset, the skies are painted in different shades of orange; the fallen leaves, citrus fruits and veggies, and flowers. Orange is said to stimulate emotions and even the appetite...reason why we usually see this color in restaurants, dining rooms, kitchen and playrooms. To those who wish to be slimmer this year, stay away from this color! :D
In cold weather, orange reminds us of our summertime dreams---of moments at the porch during sunset, of umbrellas and ice cream, of sweet buko juice and afternoon naps under the shade of a mango tree.

