Showing posts with label silence. Show all posts
Showing posts with label silence. Show all posts

Thursday, July 24, 2008

Litratong Pinoy: sa gawing Kanluran




Katahimikan. Huminga ka ng malalim at namnamin mo ang ganda ng kumikinang na araw, papalubog sa dakong kanluran. Tumingin ka sa kumikislap na dagat, sa nakakabighani at makulay na kalangitan, sa kulay-lila na mga ulap na may halong bughaw at ginto. Wala kang maririnig ni isang kaluskos. Animoy pati kalikasakan ay namamangha rin sa kagandahan ng palubog na araw.

Sa ganitong katahimikan ay panatag ang iyong kalooban. Punuin mo ang iyong puso’t isipan ng kapayapaan. Bago matapos at tuluyang maglaho, kasunod ng paglubog ng araw. At ang kalikasan ay magpapatuloy na rin sa pagiging abala sa umiikot mong buhay. Habang naghihintay ng susunod na paglubog ng araw. At sa isa pang saglit ng katahimikan.


All is quiet. Take a deep breath and savor the beauty of the glowing sun as it dips on the west. Look at the glistening sea, and all the attractive colors, the hues of purple blended with blue and gold. But all around is quiet. As though nature itself is in awe of the beauty of the sunset.

In this silence is a feeling of peace. Fill your heart and mind with this peace. For soon it will end. As the last rays of the sun sink below the horizon, nature resumes its hustle and bustle and you return to your busy life. There to wait for the next sunset, and the next moment of peace.


Location: Buho Beach Resort, Camotes Island

For more photos, please visit Litratong Pinoy.