Wednesday, December 9, 2009

Wishes [mga hiling] - Litratong Pinoy

Nag-abang ako ng shooting star para sa tema ngayong linggo pero hindi pinagbigyan ang hiling ko.

Kahit bitin ang budget, marami pa rin tayong kahilingan ngayong Pasko---may wish list ka na ba? Ang mga kahilingan daw ay hindi dapat pinagsasabi para magkakatotoo. Kaya sekret na muna---kapag nagkatotoo ang wish ko, babalitaan kita.

Hindi naman masama ang humiling---libre naman ito. Pero lagi natin iisipin na ang kasipagan ay nagdadala ang mabuting kapalaran, at ang katamaran ay malabong magbibigay ng anumang katuparan sa mga kahilingan.

Hindi ako Katoliko pero sa pagkakaalam ko, may mga kahilingan ang mga nagsisindi ng kandila at nagdadasal dito. Tama ba? H'wag na lang kalimutan---nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


Pwede rin kayang maghagis ng barya sa fountain para humiling ng world peace?


Mga litrato ito sa Basilica del Santo Nino sa Cebu.

Make a wish at Litratong Pinoy

20 comments:

The Quintessential Magpie said...

Luna, I have tried to translate this to no avail. I copied this into a translation site, but it won't translate.

So I will say that those are lovely candles. Are you saying they are prayer candles for Peace? I think that's a lovely thought, particularly at Christmas since Jesus is the Prince of Peace.

Happy Outdoor Wednesday...

XO,

Sheila :-)

Photo Cache said...

Ang ganda ng tema ngayung linggong ito. I light candles mostly in thanksgiving for someone's birthday, or in memory of someone. Haven't lit one to ask for something yet.

Anonymous said...

Uy, medyo magkamag-anak ang mga lahok natin ngayong linggo - hahaha! :D

Happy LP, Luna!

 gmirage said...

World Peace! bow. :D

salamat sa pagpapaalala, nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa...Swak din yata ito sa gobyerno natin....

upto6only said...

beautiful photos.

tama ka sa sinabi mo na nasa Diyos ang Awa nasa Tao ang Gawa. merong iba kasi na naka-asa na lang sa hiling at wala ng ginagawa. pag hindi pa natupad ay sila pa ang galit.

happy lp

Dennis Villegas said...

Nice thoughts, Luna. I wish you and advance Merry Christmas and may the Lord bless you now and always.

catsynth said...

Beautiful and moving image, I like the colors against the wax and the glass.

Nortehanon said...

November pa lang po tapos na ang wishlist ko hehehe

Maraming masasayang alaala ang bumalik nang makita ko ang mga pictures mo sa Basilica :). Salamat sa mga pics.

Ebie said...

Hehehe, wala ankong wish list, kasi ang ang nagbibigay ng mga regalo.

But I wish world peace and justice on the Mindanao massacre.

These are lovely shots!

Unknown said...

Sheila @ The Quintessential Magpie,
Sorry, i was supposed to write an English translation last night but I got caught up in CSI-Miami.:p

These candles are in a Basilica, devotees light candles for their petitions and wishes.

Thanks for visiting, Sheila.

an2nette said...

nice entry at sana ang mga petition at wishes natin ay matupad kahit hindi lahat, hapi LP

Sidney said...

"i was supposed to write an English"

...I guess God understands Tagalog ;-)

When I see the amount of candles...that is a lot of wishes!

Anonymous said...

Ang ganda naman ng iyong reflection - tama ka nga na nasa tao ang gaa at nasa Diyos ang awa. Ang ganda rin ng iyong mga litrato. Paborito kung yung una.

Happy LP!

Anonymous said...

Luna, not sure if my previous comment was posted. Anyway, I just wanted to say that I like your reflection - tama ka - nasa tao ang gawa at sa diyos ang awa.

I like your photos too - my favorite is the first one.

Happy LP!

witsandnuts said...

I light candles regularly for my late grandparents and other relatives. But as for scented candles which are a staple in my place in UAE, it's too cool off the smelly dishes. Baka kase magalit mga non-Pinoy neighbors.

Joy said...

Nice pics!!

Magandang araw!
Eto naman ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/12/lp-hiling-wish.html

Anonymous said...

Ay oo nga.. similar ang post natin for this week, yun nga lang sa labas ka ng church, yung shot ko sa loob. Ang galing naman. :)

Salamat sa pagdaan sa LP post ko.

khaye said...

Nice din po ang lahok mo. sana lahat ng hiling natin magkatotoo.

agent112778 said...

oi, na miss ko tuloy ang Cebu, pero CdeO muna ang priority at yun ang hiling ko

Ronnie said...

i like yung candles.. mga kahilingan at dasal natin sa panginoon. sana ngayong pasko ay makamit mo ang iyong mga hiling.