Pages

Wednesday, December 9, 2009

Wishes [mga hiling] - Litratong Pinoy

Nag-abang ako ng shooting star para sa tema ngayong linggo pero hindi pinagbigyan ang hiling ko.

Kahit bitin ang budget, marami pa rin tayong kahilingan ngayong Pasko---may wish list ka na ba? Ang mga kahilingan daw ay hindi dapat pinagsasabi para magkakatotoo. Kaya sekret na muna---kapag nagkatotoo ang wish ko, babalitaan kita.

Hindi naman masama ang humiling---libre naman ito. Pero lagi natin iisipin na ang kasipagan ay nagdadala ang mabuting kapalaran, at ang katamaran ay malabong magbibigay ng anumang katuparan sa mga kahilingan.

Hindi ako Katoliko pero sa pagkakaalam ko, may mga kahilingan ang mga nagsisindi ng kandila at nagdadasal dito. Tama ba? H'wag na lang kalimutan---nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


Pwede rin kayang maghagis ng barya sa fountain para humiling ng world peace?


Mga litrato ito sa Basilica del Santo Nino sa Cebu.

Make a wish at Litratong Pinoy

20 comments:

  1. Luna, I have tried to translate this to no avail. I copied this into a translation site, but it won't translate.

    So I will say that those are lovely candles. Are you saying they are prayer candles for Peace? I think that's a lovely thought, particularly at Christmas since Jesus is the Prince of Peace.

    Happy Outdoor Wednesday...

    XO,

    Sheila :-)

    ReplyDelete
  2. Ang ganda ng tema ngayung linggong ito. I light candles mostly in thanksgiving for someone's birthday, or in memory of someone. Haven't lit one to ask for something yet.

    ReplyDelete
  3. Uy, medyo magkamag-anak ang mga lahok natin ngayong linggo - hahaha! :D

    Happy LP, Luna!

    ReplyDelete
  4. World Peace! bow. :D

    salamat sa pagpapaalala, nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa...Swak din yata ito sa gobyerno natin....

    ReplyDelete
  5. beautiful photos.

    tama ka sa sinabi mo na nasa Diyos ang Awa nasa Tao ang Gawa. merong iba kasi na naka-asa na lang sa hiling at wala ng ginagawa. pag hindi pa natupad ay sila pa ang galit.

    happy lp

    ReplyDelete
  6. Nice thoughts, Luna. I wish you and advance Merry Christmas and may the Lord bless you now and always.

    ReplyDelete
  7. Beautiful and moving image, I like the colors against the wax and the glass.

    ReplyDelete
  8. November pa lang po tapos na ang wishlist ko hehehe

    Maraming masasayang alaala ang bumalik nang makita ko ang mga pictures mo sa Basilica :). Salamat sa mga pics.

    ReplyDelete
  9. Hehehe, wala ankong wish list, kasi ang ang nagbibigay ng mga regalo.

    But I wish world peace and justice on the Mindanao massacre.

    These are lovely shots!

    ReplyDelete
  10. Sheila @ The Quintessential Magpie,
    Sorry, i was supposed to write an English translation last night but I got caught up in CSI-Miami.:p

    These candles are in a Basilica, devotees light candles for their petitions and wishes.

    Thanks for visiting, Sheila.

    ReplyDelete
  11. nice entry at sana ang mga petition at wishes natin ay matupad kahit hindi lahat, hapi LP

    ReplyDelete
  12. "i was supposed to write an English"

    ...I guess God understands Tagalog ;-)

    When I see the amount of candles...that is a lot of wishes!

    ReplyDelete
  13. Ang ganda naman ng iyong reflection - tama ka nga na nasa tao ang gaa at nasa Diyos ang awa. Ang ganda rin ng iyong mga litrato. Paborito kung yung una.

    Happy LP!

    ReplyDelete
  14. Luna, not sure if my previous comment was posted. Anyway, I just wanted to say that I like your reflection - tama ka - nasa tao ang gawa at sa diyos ang awa.

    I like your photos too - my favorite is the first one.

    Happy LP!

    ReplyDelete
  15. I light candles regularly for my late grandparents and other relatives. But as for scented candles which are a staple in my place in UAE, it's too cool off the smelly dishes. Baka kase magalit mga non-Pinoy neighbors.

    ReplyDelete
  16. Nice pics!!

    Magandang araw!
    Eto naman ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/12/lp-hiling-wish.html

    ReplyDelete
  17. Ay oo nga.. similar ang post natin for this week, yun nga lang sa labas ka ng church, yung shot ko sa loob. Ang galing naman. :)

    Salamat sa pagdaan sa LP post ko.

    ReplyDelete
  18. Nice din po ang lahok mo. sana lahat ng hiling natin magkatotoo.

    ReplyDelete
  19. oi, na miss ko tuloy ang Cebu, pero CdeO muna ang priority at yun ang hiling ko

    ReplyDelete
  20. i like yung candles.. mga kahilingan at dasal natin sa panginoon. sana ngayong pasko ay makamit mo ang iyong mga hiling.

    ReplyDelete

I'm glad you found your way here. I appreciate the time you took to leave a comment. *xoxo*