Thursday, March 5, 2009

Litratong Pinoy: bag


Hindi ko namalayan, Huwebes na pala. Hindi ko napaghandaan ang tema ngayong linggo, mabuti na lang marami akong bag samples dito sa opisina. Ang mga bags na ito ay gawa sa mga lokal na materyales katulad ng pandan, raffia at butones na gawa sa bao ng niyog. Sa lahat ng aksesorya sa kasuotan ng isang babae, ang bag yata ang pinakamahalaga. Maraming babae ang naniniwala na nakatago ang buong buhay nila sa loob ng kanilang bag---pera, date book, lipstick, make-up, pulbo, pabango, mga susi, telepono, suklay, mga litrato. Parang hindi kumpleto ang bihis ng isang babae kapag wala s'yang bag.


I didn't notice the days, it's already Thursday! I was not ready for this week's theme, but it was my good fortune that I have samples of bags in the office. These bags are made from local materials like palm leaves, raffia, and coconut shell buttons. Hands down, the absolute essential accessory of a woman is a bag. Many women feel that they keep their whole life in their bag---their money, their date book, lipstick, make-up, compact, perfume, keys, cel phone, hair brush, photographs. A woman's get-up is not complete without her bag.


Posted for Litratong Pinoy

25 comments:

SASSY MOM said...

ang gaganda naman ng mga bags na iyan. Parang naalala ko may nagbebenta sa kin ng ganiyan. May stall ka ba?

Unknown said...

hi, sassy mom! wala akong stall, prototype ang mga yan. pinagawa sa Cebu para sa client namin sa London.

Dennis Villegas said...

wow very inventive talaga ang pinoy..ganda ng mga bags. i especially liked the first one.

Anonymous said...

Oh, pang export pala ang mga ito? ang gaganda :)

happy lp

Anonymous said...

ang cute naman ng mga bags!

korek ka jan, parang di kompelto ang bihis natin kapag wala tayong bag :-)

happy lp!

Anonymous said...

tunay na napakagaganda nila! makulay at sariling atin:)

Anonymous said...

Isang kapamilya ko rin na ang negosyo ay ang paggawa ng bag. Gustong-gusto ng mga foreigners ang mga bags na kung tawagin ay buntal. At gusto ko yung bag sa 1st picture. Summer na summer ang dating. Ako'y hindi nakakalabas ng bahay ng walang bag. Imagine saan ko ilalagay lahat ng nabanggit mo?

Anonymous said...

wow ganda...kala ko your selling din (sa multiply) hehehe!
Galing talaga ng produktong Pinoy

Happy LP!

Jenn Valmonte said...

...napaka creative naman nang mga bags na ito...

...happy lp, akin lahok...

Ken said...

Beri colorpul. Ganda naman ng nakita mo. Thanks also for commenting on my ilio.ph site.

♥♥ Willa ♥♥ said...

ay, type ko yung unang litrato, ang gandang Summer Bag, madami ang pwede mailagay.

Anonymous said...

Ganda ng mga bag ,turkis na kulay maganda rin pala tingnan.Yung unang pic,pedeng gamitin as shopper or beach bag:)

happy huwebes ka lp!

Anonymous said...

ang gagandang mga bag, talaga nga naman ang Pinoy, very creative :-)

Photo Cache said...

ang ku cute naman ng mga bags, halatang resulta ng labor of love.

Sidney said...

Nice bags! Very creative.

fortuitous faery said...

ang gaganda! di ako makadecide between the pink and blue bags....pero cute yung isda na bag! :)

escape said...

magugustuhan ng nanay ko to.

Anonymous said...

hehe, ayos ang mga bag ah... happy LP! :)

Anonymous said...

ay saya saya, ang gaganda ng bags!!!

ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-bag/

Anonymous said...

winner ang mga bag! gusto ko yun red. san makakabili nyan? :)

ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-bag/

Anonymous said...

Ang gaganda ng mga bags! Bagay na bagay pang beach!!! :D Happy LP!

Anonymous said...

hangkyut ng mga bags :)

eto naman po ang aking entry dis week:
BAG :D

HAPPY LP PO ! :)

Anonymous said...

gusto ko ang mga kulay at disenyo ng mga bag na yan :-) panalo!

TheOzSys said...

Proudly Philippine-made! Galing!

Anonymous said...

Nice bags. I'm a bag collector. But this year I promise (heeehee) to slow down. I don't have much space for my bags now that I'm in UAE. I even sent home some last month.