Pages

Thursday, March 5, 2009

Litratong Pinoy: bag


Hindi ko namalayan, Huwebes na pala. Hindi ko napaghandaan ang tema ngayong linggo, mabuti na lang marami akong bag samples dito sa opisina. Ang mga bags na ito ay gawa sa mga lokal na materyales katulad ng pandan, raffia at butones na gawa sa bao ng niyog. Sa lahat ng aksesorya sa kasuotan ng isang babae, ang bag yata ang pinakamahalaga. Maraming babae ang naniniwala na nakatago ang buong buhay nila sa loob ng kanilang bag---pera, date book, lipstick, make-up, pulbo, pabango, mga susi, telepono, suklay, mga litrato. Parang hindi kumpleto ang bihis ng isang babae kapag wala s'yang bag.


I didn't notice the days, it's already Thursday! I was not ready for this week's theme, but it was my good fortune that I have samples of bags in the office. These bags are made from local materials like palm leaves, raffia, and coconut shell buttons. Hands down, the absolute essential accessory of a woman is a bag. Many women feel that they keep their whole life in their bag---their money, their date book, lipstick, make-up, compact, perfume, keys, cel phone, hair brush, photographs. A woman's get-up is not complete without her bag.


Posted for Litratong Pinoy

25 comments:

  1. ang gaganda naman ng mga bags na iyan. Parang naalala ko may nagbebenta sa kin ng ganiyan. May stall ka ba?

    ReplyDelete
  2. hi, sassy mom! wala akong stall, prototype ang mga yan. pinagawa sa Cebu para sa client namin sa London.

    ReplyDelete
  3. wow very inventive talaga ang pinoy..ganda ng mga bags. i especially liked the first one.

    ReplyDelete
  4. Oh, pang export pala ang mga ito? ang gaganda :)

    happy lp

    ReplyDelete
  5. ang cute naman ng mga bags!

    korek ka jan, parang di kompelto ang bihis natin kapag wala tayong bag :-)

    happy lp!

    ReplyDelete
  6. tunay na napakagaganda nila! makulay at sariling atin:)

    ReplyDelete
  7. Isang kapamilya ko rin na ang negosyo ay ang paggawa ng bag. Gustong-gusto ng mga foreigners ang mga bags na kung tawagin ay buntal. At gusto ko yung bag sa 1st picture. Summer na summer ang dating. Ako'y hindi nakakalabas ng bahay ng walang bag. Imagine saan ko ilalagay lahat ng nabanggit mo?

    ReplyDelete
  8. wow ganda...kala ko your selling din (sa multiply) hehehe!
    Galing talaga ng produktong Pinoy

    Happy LP!

    ReplyDelete
  9. ...napaka creative naman nang mga bags na ito...

    ...happy lp, akin lahok...

    ReplyDelete
  10. Beri colorpul. Ganda naman ng nakita mo. Thanks also for commenting on my ilio.ph site.

    ReplyDelete
  11. ay, type ko yung unang litrato, ang gandang Summer Bag, madami ang pwede mailagay.

    ReplyDelete
  12. Ganda ng mga bag ,turkis na kulay maganda rin pala tingnan.Yung unang pic,pedeng gamitin as shopper or beach bag:)

    happy huwebes ka lp!

    ReplyDelete
  13. ang gagandang mga bag, talaga nga naman ang Pinoy, very creative :-)

    ReplyDelete
  14. ang ku cute naman ng mga bags, halatang resulta ng labor of love.

    ReplyDelete
  15. ang gaganda! di ako makadecide between the pink and blue bags....pero cute yung isda na bag! :)

    ReplyDelete
  16. hehe, ayos ang mga bag ah... happy LP! :)

    ReplyDelete
  17. ay saya saya, ang gaganda ng bags!!!

    ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-bag/

    ReplyDelete
  18. winner ang mga bag! gusto ko yun red. san makakabili nyan? :)

    ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-bag/

    ReplyDelete
  19. Ang gaganda ng mga bags! Bagay na bagay pang beach!!! :D Happy LP!

    ReplyDelete
  20. hangkyut ng mga bags :)

    eto naman po ang aking entry dis week:
    BAG :D

    HAPPY LP PO ! :)

    ReplyDelete
  21. gusto ko ang mga kulay at disenyo ng mga bag na yan :-) panalo!

    ReplyDelete
  22. Proudly Philippine-made! Galing!

    ReplyDelete
  23. Nice bags. I'm a bag collector. But this year I promise (heeehee) to slow down. I don't have much space for my bags now that I'm in UAE. I even sent home some last month.

    ReplyDelete

I'm glad you found your way here. I appreciate the time you took to leave a comment. *xoxo*