Isa sa mga paborito ko ang masigla at masayang kulay na kahel. Ang tingkad ng kahel ay nagbibigay buhay at ganda sa kalikasan---mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw, iba't ibang shades of orange ang makikita sa kalangitan; mga nalagas na dahon, ang makukulay na balat ng carrots, bell pepper, ponkan, papaya, tiesa, persimmon at mga bulaklak katulad ng matingkad na African daisy sa itaas. Nakakapukaw daw ng damdamin ang kulay na ito, pati na gana sa pagkain, kaya madalas natin nakikita ang kahel sa mga restaurants, comedor, kusina at playrooms. Sa mga gustong magpapayat ngayong taon, umiwas sa kulay na ito!:D
Sa taglamig, ang kahel ay nagpapaalala ng kapanahunan ng tag-init---ng mga sandali sa balkonahe habang palubog ang araw, ng payong at ice cream, ng matamis na buko juice at siesta sa ilalim ng puno ng mangga.
The vibrant and cheerful orange is one of my favorite colors. Its intense color gives life and beauty to nature---from sunrise to sunset, the skies are painted in different shades of orange; the fallen leaves, citrus fruits and veggies, and flowers. Orange is said to stimulate emotions and even the appetite...reason why we usually see this color in restaurants, dining rooms, kitchen and playrooms. To those who wish to be slimmer this year, stay away from this color! :D
In cold weather, orange reminds us of our summertime dreams---of moments at the porch during sunset, of umbrellas and ice cream, of sweet buko juice and afternoon naps under the shade of a mango tree.
In cold weather, orange reminds us of our summertime dreams---of moments at the porch during sunset, of umbrellas and ice cream, of sweet buko juice and afternoon naps under the shade of a mango tree.
24 comments:
LOVE you ruse of orange in such interesting and alive ways. It really is a happy color and so vibrant and vivid. A wonderful pick me up on this dreary day in NY. Your photography is excellent, top notch!
ang ganda ng unang orange, bilib ako sa vase ng bulaklak,very creative naman.
LP:Orange
OO nga orange color makes us cheery.. nice yang birds of paradise na flower meron din kami d2 sa garden dali pang alagaan
eto akin:
http://jennytalks.com/2009/01/lp-ponkan-na-ponkan.html
http://jennys-corner.com/2009/01/litratong-pinoy-orange-kahel.html
kakaiba yung vase ng mga bulaklak, ha.
yung persimmon naman, isang beses ko pa lang natikman last year...kakaibang prutas din. hehe.
wow! dami mong baong orangy things...ang gaganda. gandang LP po! silipin ang sa akin dito sa Reflexes at Living In Australia
Sure...orange is a beautiful color... well illustrated.
Mayron akong larawan ng una mong bulaklak at muntik ko na din i-post sa aking isang blog :-)
Ang gaganda ng mga kuha mo! Tama ka, ang orange nga ang isa sa mga masasayang kulay. Kung ako ang papapiliin, pulang rosas o kahel na daisy -- ang kahel na daisy ang pipiliin ko, anytime! I also love persimmons - ang mura-mura niyan dito :)
ayos ah! ganda!
that's a great combination! what's funny is that my blog's color theme is orange. hehehe...
Masarap ba yung persimmon? Ang ganda ng bulaklak!
Ang aking owange na owange LP ay naka-post dito at ang sa aking bunsong kapatid naman ay nandito. Hapi Thursday!
hi, jenn! masarap ang persimmon, it's crisp and sweet, parang papaya.
oy, kakaiba ang pinaglagyan ng bulaklak..paborito kong kulay din ang kahel at tama ka, masayang kulay siya.
gusto kong makatikim ng persimmon. masarap ba?
LP:Kahel
gusto ko yung vase sa unang pix....
ahhh, yan pala ang persimon, now i know :D
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
ang gaganda nang iyong mga kahel na litrato :-)
hindi ko pa nasubukang kumain ng persimon, mukha ngang masarap at masustansya!
Wow beautiful orange colors! I love this color, very pleasing to the eyes. You have made some very nice choices to photograph to represent this color!
Nice shots! love the heleconia flowers =)
tama ka, napakagandang kulay sa kalangitan ang naidudulot ng kahel.
happy lp!
Ang daming magagandang kahel yan! Nakakahalina nga sa mata ang kulay na ito, gaganahan kang kumain at mapapangiti kapag nalulumbay (lalim!) :D
ang gaganda ng iyong mga kahel na pictures :-)
persimmons, ah, hindi pa ako nakatikim nyan, pero sigurado ako siya'y masarap.
hi cookie! masarap ang persimmon, mas matamis at mas masarap sa manibalang na papaya. medyo mahal lang dito...tumikim ako ng isa, i paid 42 pesos!:( 200 pesos ang kilo e...
hello, maritess! ang vase ay gawa sa driftwood. pieces of driftwood were joined to form the vase. taga paete, laguna ang gumawa.
ang ganda ng vase! at ang daming kulay kahel,puro maganda!
ang saya! isang entablado na puno ng samu't saring bagay na kahel ang wangis. masarap, mabango, masustansya... salamat sa pagdaan sa blog ko nung isang linggo, paumanhin sa huling pagbisita =0
PS- sana sa akin mo na lang ipinamana ang stamp collection mo hehe
Post a Comment