Pages

Thursday, January 22, 2009

Litratong Pinoy: kahel (orange)

Isa sa mga paborito ko ang masigla at masayang kulay na kahel. Ang tingkad ng kahel ay nagbibigay buhay at ganda sa kalikasan---mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw, iba't ibang shades of orange ang makikita sa kalangitan; mga nalagas na dahon, ang makukulay na balat ng carrots, bell pepper, ponkan, papaya, tiesa, persimmon at mga bulaklak katulad ng matingkad na African daisy sa itaas. Nakakapukaw daw ng damdamin ang kulay na ito, pati na gana sa pagkain, kaya madalas natin nakikita ang kahel sa mga restaurants, comedor, kusina at playrooms. Sa mga gustong magpapayat ngayong taon, umiwas sa kulay na ito!:D

Sa taglamig, ang kahel ay nagpapaalala ng kapanahunan ng tag-init---ng mga sandali sa balkonahe habang palubog ang araw, ng payong at ice cream, ng matamis na buko juice at siesta sa ilalim ng puno ng mangga.


persimmon, "fruit of the gods" at the Market! Market!

The vibrant and cheerful orange is one of my favorite colors. Its intense color gives life and beauty to nature---from sunrise to sunset, the skies are painted in different shades of orange; the fallen leaves, citrus fruits and veggies, and flowers. Orange is said to stimulate emotions and even the appetite...reason why we usually see this color in restaurants, dining rooms, kitchen and playrooms. To those who wish to be slimmer this year, stay away from this color! :D

In cold weather, orange reminds us of our summertime dreams---of moments at the porch during sunset, of umbrellas and ice cream, of sweet buko juice and afternoon naps under the shade of a mango tree.

Posted for Litratong Pinoy



24 comments:

  1. LOVE you ruse of orange in such interesting and alive ways. It really is a happy color and so vibrant and vivid. A wonderful pick me up on this dreary day in NY. Your photography is excellent, top notch!

    ReplyDelete
  2. ang ganda ng unang orange, bilib ako sa vase ng bulaklak,very creative naman.
    LP:Orange

    ReplyDelete
  3. OO nga orange color makes us cheery.. nice yang birds of paradise na flower meron din kami d2 sa garden dali pang alagaan

    eto akin:
    http://jennytalks.com/2009/01/lp-ponkan-na-ponkan.html

    http://jennys-corner.com/2009/01/litratong-pinoy-orange-kahel.html

    ReplyDelete
  4. kakaiba yung vase ng mga bulaklak, ha.

    yung persimmon naman, isang beses ko pa lang natikman last year...kakaibang prutas din. hehe.

    ReplyDelete
  5. wow! dami mong baong orangy things...ang gaganda. gandang LP po! silipin ang sa akin dito sa Reflexes at Living In Australia

    ReplyDelete
  6. Sure...orange is a beautiful color... well illustrated.

    ReplyDelete
  7. Mayron akong larawan ng una mong bulaklak at muntik ko na din i-post sa aking isang blog :-)

    ReplyDelete
  8. Ang gaganda ng mga kuha mo! Tama ka, ang orange nga ang isa sa mga masasayang kulay. Kung ako ang papapiliin, pulang rosas o kahel na daisy -- ang kahel na daisy ang pipiliin ko, anytime! I also love persimmons - ang mura-mura niyan dito :)

    ReplyDelete
  9. that's a great combination! what's funny is that my blog's color theme is orange. hehehe...

    ReplyDelete
  10. Masarap ba yung persimmon? Ang ganda ng bulaklak!

    Ang aking owange na owange LP ay naka-post dito at ang sa aking bunsong kapatid naman ay nandito. Hapi Thursday!

    ReplyDelete
  11. hi, jenn! masarap ang persimmon, it's crisp and sweet, parang papaya.

    ReplyDelete
  12. oy, kakaiba ang pinaglagyan ng bulaklak..paborito kong kulay din ang kahel at tama ka, masayang kulay siya.

    ReplyDelete
  13. gusto kong makatikim ng persimmon. masarap ba?
    LP:Kahel

    ReplyDelete
  14. gusto ko yung vase sa unang pix....

    ahhh, yan pala ang persimon, now i know :D

    eto aken lahok


    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete
  15. ang gaganda nang iyong mga kahel na litrato :-)
    hindi ko pa nasubukang kumain ng persimon, mukha ngang masarap at masustansya!

    ReplyDelete
  16. Wow beautiful orange colors! I love this color, very pleasing to the eyes. You have made some very nice choices to photograph to represent this color!

    ReplyDelete
  17. Nice shots! love the heleconia flowers =)

    tama ka, napakagandang kulay sa kalangitan ang naidudulot ng kahel.

    happy lp!

    ReplyDelete
  18. Ang daming magagandang kahel yan! Nakakahalina nga sa mata ang kulay na ito, gaganahan kang kumain at mapapangiti kapag nalulumbay (lalim!) :D

    ReplyDelete
  19. ang gaganda ng iyong mga kahel na pictures :-)
    persimmons, ah, hindi pa ako nakatikim nyan, pero sigurado ako siya'y masarap.

    ReplyDelete
  20. hi cookie! masarap ang persimmon, mas matamis at mas masarap sa manibalang na papaya. medyo mahal lang dito...tumikim ako ng isa, i paid 42 pesos!:( 200 pesos ang kilo e...

    ReplyDelete
  21. hello, maritess! ang vase ay gawa sa driftwood. pieces of driftwood were joined to form the vase. taga paete, laguna ang gumawa.

    ReplyDelete
  22. ang ganda ng vase! at ang daming kulay kahel,puro maganda!

    ReplyDelete
  23. ang saya! isang entablado na puno ng samu't saring bagay na kahel ang wangis. masarap, mabango, masustansya... salamat sa pagdaan sa blog ko nung isang linggo, paumanhin sa huling pagbisita =0

    PS- sana sa akin mo na lang ipinamana ang stamp collection mo hehe

    ReplyDelete

I'm glad you found your way here. I appreciate the time you took to leave a comment. *xoxo*