Medyo nahirapan ako sa tema ngayong linggo---Ako (o parte ko). Hindi ko alam kung ipapakita ko ba ang aking mga binti, kalyo, peklat o tattoo. Naisip ko, tutal wala naman masyadong ginagawa ang aking kaliwang kamay, s'ya na muna ang modelo.
Ang mga kamay ay maraming nagagawa para sa atin---sila ay ginagamit nating panghipo, panghawak, panghimas, pangangalabit, pangkaway, pang-apir na rin. Ang kamay ay mahalagang bahagi ng ating pagkatao at kung paano natin tinitingnan ang ating sarili.
Isang "parte" naman ng aking pagkatao ay ang aking Nanay. Nanggaling sa kanya ang kalahating porsiento ng aking genes. Hindi man perfect ang relasyon namin noong aking kabataan, ngunit ngayon ay nagkakaintindihan na kaming dalawa. Kahit isinumpa ko no'ng ako'y 13 na hinding-hindi ko s'ya gagayahin, aaminin ko man o hindi, maraming pag-uugali ang namana ko sa aking ina. Natanggap ko na...gano'n talaga ang buhay (hehe)!
my mother
I find this week's theme a bit difficult. I was ambivalent if I'd show off my legs, corns and calluses, scars or my tattoo (hehe). But since my left hand was not busy, it will do as my model.
Our hands do so much for us---they are capable of touching, feeling, holding, grasping, manipulating, waving, do high-fives and more. They are an important part of who we are and how we see ourselves.
Our hands are more than mere anatomical tools that perform tasks for us. They also help interpret the world for us and express who we are.
Another part of my being an individual is my mother. Half of my genes came from her. Although our relationship was not perfect during my teenage years, we pretty much understand and appreciate each other now. I swore when I was 13 that I would never, ever be like her, but it looks like I inherited much from her (which is not so bad, I realize :D). There's no escape from it so it's best to accept it with an open heart and mind...believe me, it's the beginning of wisdom.:D
For more photos, please visit Litratong Pinoy.
18 comments:
isa nga sa mahalagang parte (lahat naman ay mahalaga :D ) ng ating katawan ay ang kamay...dahilan sa madami itong nagagawa at nakakatulong din sa ibang parte ng katawan.
'i have two hands the left and the right, hold them up high so clean and bright. clap them softly 123. clean little hands are good to see'
i offer my hand for a virtual handshake with yours! hehe.
I believe that lahat ng bagay sa ating buhay ay mahalaga...being an artist, I can say my hands are very important but then so is my neck (hehe!)
I find hands (like the eyes) quite fascinating to look at. I often look at the hands of whoever I talk with maski surreptiously! I can see you are a meticulous person by your hands, Luna :-).
All mothers (I feel) are the same for all daughters. May proseso throughout the years and there comes a time either we fit in towards each other like worn-out but comfortable gloves! My mom always tell me "imagine! you were once inside me...and now...!!!"
Ay ang ganda naman ng lahok mo! Napakalalim ng interpretasyon!
Ang aking lahok para sa LP ngayong linggo ay narito. Daan ka ha? Salamat!
Naku... totoo 'yan. Hindi natin mapagkakaila... talagang marami tayong similarities sa'ting mga nanay. :) Hey, are you engaged? ;)
Isinama mo na sana iyong relo mo para nalaman namin kung anong oras mo kinunan iyong kamay mo. :D Biro lang.
Nice shot of your dear mom. I have a very independent streak and it led me to quite a number of disagreements and arguments with my parents as a teenager. However, whether we like or not, we eventually find ourselves inheriting some of their traits and yes, even some of those we didn't really appreciate. But that's how things are in life. :)
Nice post.
ang kamay... bow... happy LP... :)
hahaha napakanta rin tuloy ako, reflexes. salamat sa pagdaan mo.
and i accept your virtual handshake, fortuitous faery.:D
salamat sa pagsilip mo sa aking lahok, shutterhappyjenn.
hi, toe. siguro dahil pareho tayong babae, dadating talaga pala ang panahon na makaka-relate tayo sa mga problema at experiences ng ating mga nanay. yayyy, i'm not engaged. i bought that ring for myself a long time ago.:D
espesyal talaga ang mga nanay. kadugo't pawis na rin ang nauugnay sa inyo.
siguro next time paa naman.
hindi sya relo, panaderos. yan ang aking FM radio...jan rin nakikita ang text messages at caller ID!:D joke lang din (hehe).
ganon yata talaga ang teenagers. to develop a sense of self, i felt a great need to fight, defy and rebel against my mother. di ko lang na-realize noon, but i probably enjoyed all the intense teenage drama. now i know where i got that flair for drama (haha).
bow din sa 'yo, lino. salamat sa pagdaan mo.
una kong napnsin ang nakapakaganda mong singsing! hehe! pero kidding aside, napakaimportante nga ng ating mga kamay. di ko maimagine buhay ko kung mawala ang mga ito! happy huwebes at salamat sa iyong dalaw. :)
...hanggang sa bawat himaymay ng ating kalamnan, dong. ganon ang connection natin sa ating mga ina.:D
nai-post ko na yata ang litrato ng aking paa. kuko sa susunod (haha).
wag kalimutan na alagaan ang mga kamay :)
You have beautiful hands...Mine are stubby and very unwomanly..hehe...Pero nagagamit naman..:-)
Post a Comment