Thursday, July 24, 2008

Litratong Pinoy: sa gawing Kanluran




Katahimikan. Huminga ka ng malalim at namnamin mo ang ganda ng kumikinang na araw, papalubog sa dakong kanluran. Tumingin ka sa kumikislap na dagat, sa nakakabighani at makulay na kalangitan, sa kulay-lila na mga ulap na may halong bughaw at ginto. Wala kang maririnig ni isang kaluskos. Animoy pati kalikasakan ay namamangha rin sa kagandahan ng palubog na araw.

Sa ganitong katahimikan ay panatag ang iyong kalooban. Punuin mo ang iyong puso’t isipan ng kapayapaan. Bago matapos at tuluyang maglaho, kasunod ng paglubog ng araw. At ang kalikasan ay magpapatuloy na rin sa pagiging abala sa umiikot mong buhay. Habang naghihintay ng susunod na paglubog ng araw. At sa isa pang saglit ng katahimikan.


All is quiet. Take a deep breath and savor the beauty of the glowing sun as it dips on the west. Look at the glistening sea, and all the attractive colors, the hues of purple blended with blue and gold. But all around is quiet. As though nature itself is in awe of the beauty of the sunset.

In this silence is a feeling of peace. Fill your heart and mind with this peace. For soon it will end. As the last rays of the sun sink below the horizon, nature resumes its hustle and bustle and you return to your busy life. There to wait for the next sunset, and the next moment of peace.


Location: Buho Beach Resort, Camotes Island

For more photos, please visit Litratong Pinoy.


15 comments:

Oman said...

so serene. i could just sit there all day and watch the sun set.

galing. have a nice day miranda.

Anonymous said...

Ang ganda ng pagkakuha mo!!!! Sana makapunta ako ng Camotes Islands!

Ang aking LP ay nakapost na rin sa blog na ito:
Shutter Happenings

Kung may oras ka, sana makadaan ka! Salamat!

fortuitous faery said...

kay ganda naman ng camotes island...di ko pa nararating ito! at so far ito pa lang ang lahok na nakikita ko na paglubog ng araw na hindi saturated sa orange. hehe.

Four-eyed-missy said...

Agree ako kay Faery... at napaka-serene nga ng lugar na ito. Parang masarap hintayin ang paglubog ng araw at pag-akyat ng buwan kasama ang iyong minamahal.

Pete Erlano Rahon said...

parehong napakaganda malasin ang sunset at sunrise it is a scene that will always shine on our heart magic and mystery of life and love...

hehehe, ayon nagiging makata at amorantic na ako hehehe...

Camotes Island, lovely!

Anonymous said...

Nakikiayon ako sa mga binibini na naunang nagiwan ng komento..napaka serene talaga sa lugar na ito....masarap magmuni-muni

thanks for sharing :)

Anonymous said...

ngayon ko lang narinig ang camotes island... marami bang camote diyan?

Anonymous said...

ang ganda ng reflection ng lumulubog na araw! at napakaganda ng iyong akda...napaisip tuloy ako...tungkol sa buhay buhay, ang sarap ng kape, bango ng pandesal...ay!gutom lang pala ito! pero totoo ang galing !

escape said...

true! silence=peace. it may not always be like that... but in most cases silence leads to a peaceful moment.

camotes nga ito.

Anonymous said...

nice... ganda talaga ng sunset... :)

 gmirage said...

Napaka-satel (alam kong maiiintindihan mo ang ingles na baybay nyan hehe). ng mga litratong iyan!

Dumungaw na naman ako sa kinabukasan kung ano ang magiging hitsura ng paraiso.....tahimik nga at walang kapaguran...Salamat Luna...sarap tingnan nyan!

(sa kabilang banda, natawa ako sa tanong ni Betchay lol, nawala tuloy emo haha)

lidsÜ said...

ang ganda... very peaceful...
magandang araw sa'yo!

Anonymous said...

saan iyang camotes island? ang ganda naman!

cross eyed bear said...

napakaganda. :)

kaycee said...

WOW! Ang ganda ng lugar & ang ganda ng pagkakuha mo. Maraming salamat, haaay nakakamiss talaga ang Pinas at ang ganda nito...