Wednesday, October 6, 2010

LP: Publiko [Public]

@ mirandablue
Rizal Park, ang pinaka-kilalang pampublikong liwasan sa Pilipinas.  Dito nakahimlay si Dr. Jose Rizal, ang pambansang bayani, at ang monumento ay sagisag ng kanyang kadakilaan.

@ mirandablue
Ang jeepney ay pampublikong sasakyan na makikita saan mang dako ng Pilipinas.  Ito ay naging simbolo na ng kulturang Filipino.


Posted for Litratong Pinoy

20 comments:

 gmirage said...

SAyang hindi kami nakapasyal sa Luneta, sa qc mem circle lang hehe. totoong ang jeep ay kapakipakinabang sa publiko at simbolo nga ng pagiging pinoy! Happy LP!

Photo Cache said...

I hope that despite all the modernization and progress in the transport industry, the jeepney would continue to be the king of the road.

Unknown said...

nakaka-miss ang Pinas ah!

Kim, USA said...

Nakaka-miss na din ang sumakay nang jeepney. At palaging namumulaklak nang tao ang mga jeepney natin dyan ^_^
LP:Publiko

Viola said...

Lovely photos! I 'm sitting here, admiring the people on the roof of the bus.. :) "How do they dare" I think.. :)

Anonymous said...

may time and life treat you all kind; and a safe road ahead as well.


daily athens

The Nomadic Pinoy said...

Ang di ko lang magustuhan sa jeepney, kukunti lang ang pasahero na pwedeng sumakay. At dahil mas marami ang pumapasada, mas lalong sumisikip ang daan. Di kaya mas mabuti ang mas malalaking pam-publikong bus o tren?

Sidney said...

http://www.youtube.com/watch?v=tuIQHiAHExg

upto6only said...

kakatuwa hindi pa ako napupunta sa rizal park. pareho lang ba yan ng Luneta o magkaiba. may nakita kasi akong tren dyan eh.

Unknown said...

@ upto6only, Rizal Park at Luneta ay iisa lang.:p ang kabilang dulo ng park ay Taft Avenue kaya may LRT. o baka ang tren na de-gulong ang sinasabi mo--yes, meron nga, paikot-ikot sa Luneta, para sa mga ayaw maglakad.:p

January Zelene said...

akala ko hindi ko mapupuntaha ang Luneta sa dalawang taon ko pamamalagi sa Maynila (2006-2008). Buti na lang sa huling araw ko bago sumakay ng eroplano pabalik ng probinsya ay naka pamasyal kami ng asawa ko sa luneta pati na rin sa ocean park. hehehe

Ann, Chen Jie Xue 陈洁雪 said...

I like the way people sit on the roof of the jeep.

Nortehanon said...

Now you made me miss Luneta. Yan ang unang-unang ginusto kong marating noong unang tumapak ako ng Maynila. Palibhasa, sikat na sikat sa probinsya namin ang Luneta hehehe

emarene said...

Oh My Gosh - Luneta! Isa sa mga "must visit places" ng mga Pinoy! Once lang ako na punta dyan, sana may next time pa.

SASSY MOM said...

Pangarap ko sa Pinas any magkaroon ng isang effective na mode of transportation.

Galing ng shots mo!

heto ang lahok ko

fortuitous faery said...

ang iconic na park ng manila! field trip favorite nung kabataan ko! ngayon yata sa mall of asia na sila nagfifield trip! hehe.

agent112778 said...

at hindi kumpleto ang jeep pag walang sounds at walang tao sa bubong

eto ang aking lahok

Mom Daughter Style said...

i love this pictures. i miss luneta

christina said...

ang gaganda po ng kuha nyo! litaw na litaw ang berdeng kulay ng mga dahon.
masayang LP!

http://stanmoisesjose.blogspot.com/2010/10/lp-120-publiko.html

TeacherJulie said...

Pinoy na Pinoy ang mga nakasabit sa dyip :D