Thursday, July 29, 2010

LP: Gusto/Ginusto

 

Sa dami ng gusto ko, di ko alam kung ano isusulat ko.  But right this minute, gusto ko ng bakasyon grande!  Sa isang magandang lugar na malapit sa dagat o ilog, tahimik, pwedeng magbasa maghapon habang nakahiga sa duyan, walang ulan at maaliwalas ang hangin.  Pero kailangan ko nga ba ng bakasyon, o nangangati lang ang paa ko?  Sa mga bagay-bagay naman, gusto ko ng bagong cell phone kasi may tantrum na itong cell phone ko.  Gusto ko rin ng bahay sa tabi ng bangin---hindi dahil gusto kong tumalon ha, gusto ko lang magandang view  pag-gising ko sa umaga.  At ang pinakagusto ko sa lahat...sana mag-desisyon na ang dapat mag-desisyon para hindi na ako mag-iisip ng kung anu-ano.:p  

My riches consist not in the extent of my possessions, but in the fewness of my wants.  ~J. Brotherton

 
 Posted for Litratong Pinoy

7 comments:

Anonymous said...

gusto ko din ng bakasyon grande, sa hammock ko maghapon habang nag-eenjoy sa hangin hinihintay ang paglubog ng araw. topak din ang cellphone ko, ngunit okay lang basta nakatira ako sa hill over-looking the sea.

san yang picture?

Unknown said...

@ journeyingjames sa cagbalete island.

Ann, Chen Jie Xue 陈洁雪 said...

what's the yellow flag or bunting for?

Unknown said...

hi, Ann! this was taken in an island resort, and there were flags in different colors by the beach. probably to give boatmen and guests some marker so they can find the resort easily.:p

nuts said...

pangarap ko lang burol or bahay sa taas ng bundok, wag naman bangin, takot ako eh..

Unknown said...

great post, i love the background music.

Photo Cache said...

Pareho tayo ng gusto. Isama mo ako.