Wednesday, February 24, 2010

Husay/skill [Litratong Pinoy]

Kagagaling ko lang ng Cebu at nagkaroon ng pagkakataon na ipakita ang husay at galing ng Pinoy sa aking katrabahong dayuhan. Di lang maabilidad ang Pinoy, mahusay tayo sa paglikha ng magagandang obra. Ang nasa itaas ay mesang may WOW-factor---gawa sa inlaid multi-layered shells at stainless steel top. Show-stopper, di ba? Isa lang ang pabrikang ito sa mga gumagawa para sa mga sikat at mamahaling fashion houses sa ibang bansa katulad ng Armani-Casa, Louis Vuitton, Salvatore Ferragamo, Ralph Lauren, Fendi, Lane Crawford at iba pa.

Magaling ang kamay ng Pinoy, malikhain, pulido ang gawa. Ang dalawang manong ay iilan lang sa mga taga-ukit ng magagarang muebles na ini-export sa Middle East, America, Europe at Asia.

Sa kantahan, di rin tayo papatalo syempre. May Pinoy ba na hindi marunong kumanta? Mahuhusay kumanta at tumugtog ng gitara ang mga taga-Cebu. Pero si manong, iba ang talent---hinarana kami sa pamamagitan ng 28-string harp habang kumakain sa SuTuKil. Lalo kaming ginanahan sa pagkain!


Ang ibig sabihin pala ng SuTuKil, sa mga di pa nakakain dito, ay tatlong paraan sa pagluto ng seafoods---SUgba (grilled), TUla (prepared with soup), KILaw (raw fish/shells, seaweed salad).


Posted for Litratong Pinoy

15 comments:

witsandnuts said...

Ang ganda ng harp ni Manong! Ngayon lang ako nakakita ng native looking na harp. Yung andito kase sa UAE masyado ng moderno.

Photo Cache said...

tama ka ang craftsmanship ng pinoy ay walang kaparis

Four-eyed-missy said...

Luna, mahal ka rin daw ni Joe. Sana magkita sila ni Fritz =)
Alam mo, isa sa mga nakita kong wala dito sa mga Khmer ay ang husay sa craftmanship o kahit sa anong bagay. Hindi pulido ang mga gawa -puro pwede na yan ang attitude kasi. I think they need to learn more about craftmanship and quality of work from our very own craftsmen.

 gmirage said...

Husay talaga, basta pinagtuunan ng oras at galing, world-class! kakatuwa naman talaga at big names ang clients nila...sure akong mamahalin din ang table na yun! At true, sing...sing a song...make it simple...haha

Sidney said...

Great furniture ! Great craftspeople !

Thess said...

Sister gusto ko yung table, oh la la la! (para naman babagay sa kubo namin ano? ha ha)

oo nga, sa cebu ultimo mga bata kahuhusay kumanta! had the chance to listen to them way back...galing ni manong ha, ang ganda ng instrument nya!

happy lp, pretty!

thess

escape said...

nice. i agree because a lot of cebuanos are already famous in this industry. they even excel outside the country.

SASSY MOM said...

Bilib talaga ako sa husay ng mga Pinoy!

Eto ang aking lahok

upto6only said...

galing ng kamay ng pinoy. walang kapares.

happy LP

ces said...

mahusay talga ang mga Pinoy, walang duda:)

♥♥ Willa ♥♥ said...

Talaga namang WOW! ang gagaling nila at sure na talagang mahuhusay, yan ang klase ng husay na hindi napapag-aralan,kumbaga inborn na yang talent nila. it runs thru the family.
When my BIL returned from Iraq, he told me about the story of some Filipino soldiers about how creative they are, that he is so amazed with their talent. According to him, just give them a piece of wood and a little something sharp, they can turned it into something beautiful. I've never been prouder when he said that. :)

Cuisine-nera In America said...

Bisdaks rock!!!!

Joy said...

kakabilib talaga ang husay ng pinoy! world-class!

Salamat sa pagdalaw. Magandang araw sa iyo.

Ebie said...

Siyempre, magaling talaga, lalo na sa kantahan (karaoke), sabi ng nga kasamahan kong mga 'merkano, palagi daw may party ang kapitbahay nilang Pinoy, palaging may kantahan tuwing Sabado!

Ladynred said...

Wow! ang galing naman . Hanga ako! Okay kaya yan sa dining room ko..hehehe

http://canadianscrapbookerblog.com/2010/02/25/husay-lp/