Kanina ko lang napanood ang Sherlock Holmes at naalala ko ang mga litrato ng Tower Bridge at Tower of London sa aking archive. At tamang-tama naman, wala pa pala akong litrato sa tema ngayong Huwebes.
Niluma na ng panahon ang Tower of London---halata naman sa mga lumot at batik sa dingding na bato.
Itinayo noong 1078 ang makasaysayang Tower of London. Buhay na ba ang lolo mo n'on? Ito raw ang pinaka-haunted na lugar sa Britain---marami kasing pinahirapan, pinatay at binitay dito. Itinayo ang Tower of London bilang isang fortress, palasyo at kulungan ng mga VIP. Naging armory din ito, taguan ang pananalapi ng hari, at mula 1303, dito nakalagak ang crown jewels ng UK. Sayang at hindi ko napasok ito, kulang kasi sa oras.

Ito naman ay hindi istatwa na puno ng grasa...s'ya ay isang mime artist sa sidewalk sa Paris. Gumagalaw lang ang mime artist kapag naghulog ka ng pera sa batya n'ya. Naligo yata ito ng pintura para magmukha s'yang tansong rebulto. Sa tingin mo, kaya pa kaya ng Tide Ultra tanggalin ang mantsa sa damit n'ya?
Posted for Litratong Pinoy
14 comments:
Love your blog and your pics..
ND
This mime artist looks really like a statue !
ang ganda naman ng old castle. kailan kaya ako makakatapak ng london.
Misteryoso tingnan yung gusali. Naalala ko yung napanood ko noong isang gabi ang sabi isa sa pinaka-haunted na lugar ang United Kingdom mukhang totoo nga sa kuha mong ito.
Halatang ancient ang kastilyo, ang ganda!
Hehehhe, kayang kayang sa Tide! Alis agad ang mantsa. Para siyang estatuwa, galing!
Tingin ko kailangan na rin ng tulong ng zonrox bleach para mawala ang mantsa niya ;) Maligayang araw Miranda!!!
kahit na may batik maganda pa rin, sana makapunta rin ako diyan sa London
haha, hindi na...nakita mo din ba yung nakaupo sa toilet bowl? shucks lalamigin siguro pwet nun dun lol.
sa movie ay hindi pa gawa ang tower bridge di ba? (ngenjoy ako sa movie na yan hehe). ang castle na ito ay old but classic!
I enjoyed watching Sherlock Homes. Looking forward to seeing the sequel. Nakakatuwa naman yung mime, parang di susing robot, gagalaw lang pag may kumalansing (pera) haha! If you didn't mention that it's a mime, I'd seriously thought it's a statue.
ang hirap ng trabaho ng mime artist na yan,paano na lang kung may makati sa katawan nya, hindi nya pwede makamot. lol!
Is that a mime artist in the second photo? Amazing!
ang ganda naman :)
oo nga ilan oras din kaya sya naliligo para maalis yan?
ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2010/litratong-pinoy-batikmanstaspotsspeckles/
Sayang naman kinapos at the time - too interesting pa naman the Beefeater tour of the Tower of London ... and the shots I mime that spirit statue - from!
Tama puro 'mantsa' nga ang palibot ng parte na yan ng Tower of London. Sayang at hindi mo rin pala napasok (ako naman naglagi kasi sa Oxford road, daming stores eh ha ha!)
HAPPY LP and have a good weekend ;)
Thesserie.com
Post a Comment