Nakatikim ka na ba ng malapot na berdeng sabaw? Mukhang science project ang soup na ito, sabi ng kapatid ko. Naalala ko tuloy ang mapait na nakaraan, mapait na katas ng dahon na pinapainom sa akin ng aking lola no'ng ako'y bata pa. Katas ng dahon ng ampalaya at malunggay---hindi ko halos malunok! Tumatayo ang aking balahibo kapag naalala ko ang mapait na lasa. Magustuhan mo kaya ito?
Polonchay with seafood soup ang tawag dito---puree ng gulay na pinalapot ng harina. Hindi ko alam kung ano ang hitsura ng polonchay kaya humingi ako ng sariwang dahon sa waiter--mukha s'yang spinach. Tinikman ko ang sabaw---at ang sarap! Meron itong pira-pirasong isda, hipon at crab meat kaya hindi masyadong nalalasahan ang dahon---pero sigurado ako, nandito pa rin ang sustansya ng gulay sa sabaw.
Have you ever tried a thick green soup? To my sister, this soup looks like a science project, while it reminds me of a bitter past---the bitter leaves extract my grandmother used to administer when I was a kid. Extracts from ampalaya (bitter gourd) and malunggay (moringa) leaves that I could hardly swallow. I have goosebumps just thinking about the bitter taste. Do you think you'd like this soup?
It's called polonchay with seafood soup, a vegetable puree thickened with starch. I had no idea what polochay is---the waiter gave me a fresh leaf and it looks like spinach. I took a sip and it's tasty! The soup has bits of fish, shrimps and crab meat and the flavor of the leaves is not so strong but I'm sure the nutrients are all in the soup.
17 comments:
It does look like a science project gone wrong. The only green thing (aside from veggies) I like is pesto. How does this taste?
Whew! While looking at it, naaalala ko yung bile secretions ng isang pasyente ko hahahaha.
Hindi ko pa natry yan, saan ba mabibili yan ng madaanan sa Manila sa bakasyon?
@ Photo Cache, masarap 'to kahit mukhang kadiri (LOL).
@ Misalyn, bile secretions (LOL)--perfect description! sa Chinese resto ko ito natikman, di ko pa maalala ang name ng resto.
Hmmm, hindi pa ako nakatikim, pero yung texture parang dried sea weed seafood soup pero itim ang kulay.
Matikman nga!
Mukhang masarap kasi sabi mo seafood, baka magustuhan ko rin kung i ta try ko.Natawa ako sa Science project, kasi may ginawa talaga yung anak ko sa school nila na ganyan ang kulay. :D
Ano yan eh martian soup or stardust stew! (From facebook's Cafe World!) lol. mukhang healthy combo!
It doesn't look so yummy until you said it actually is. Very interesting. First time I heard about this. I wonder if anyone among my relatives tried it.
mukhang ewe hehehe.. matikman nga if masarap ba talaga...
sa takaw kong ito, kahit kuhay itim yata papatulan ko hahaha! basta ba pusit ink ang pinangkulay ha, oks lang yun ;)
Happy LP sister ;)
^0^
hahaha... kulit. mukha ngang science project or horror ooze.
Mukha nga slime sa unang tingin. Pero siguro mas magugustuhan ko yan kapag nalanghap ko ang amoy niya.
Narito naman ang aking lahok ngayong Hwebes.
Hahahaha. Reminds me of Linda Blair in the Exorcist ... biro lang. I would like to try that sometime. Saan to? Thanks for your comment in my ilio.ph blog.
parang ito yung mga tipo ng pagkain na pag tinanong mo kung masarap, ang sasagot sayo ay "it's GOOD for you!" haha!
@ Ken and Misalyn
naalala ko na---this is from David's Tea House, a Chinese resto. meron sa MoA at sa Greenbelt 1.:p
ay love ko yan luna! =)
pwede ngang spinach. ngayon alam ko na kung bakit malapot. makapagluto nga =)
haven't tried one! looks interesante ha:)
Just the thought of bitter melon soup makes me cringe!
Post a Comment