Natanggap ko na hindi ako yayaman. Di bale, maganda naman ako, at matalino, magaling magluto, masayahin, mabait at di mayabang! O-hah, bakit tumataas ang kilay mo?! H'wag seryosohin!:p
Sabi ng nanay ko, galit daw ako sa pera at hindi masinop kaya kahit gaano pa daw kalaki ang sweldo ko, di ako yayaman. Lagi nya sinasabi sa kanyang mga anak na ang pagtitipid, pagiging masinop at simpleng pamumuhay ang matatag na kapitan sa oras ng pangangailangan. Kahit pa daw may minana kang hacienda kung maluho ang iyong pamumuhay, gastador at maaksaya ka, hindi rin magtatagal ang iyong fortune.
Gusto ko na nga magbago, 'Nay...kaso, wala naman tayong hacienda. Kasalanan ito ng mga malls, lagi silang sale!:p
Kahanga-hanga talaga ang mga taong masinop---pwede silang utangan (hehehe). Pinaghahandaan nila ang rainy days pati na rin ang baha, lindol, sunog, pagkakasakit at ibang calamities na di pa nangyayari. Pero minsan mahirap din ang sobrang masinop...lalo na kung laging nasa safe side na lang, ayaw lumabas sa cocoon, laging nag-aatubili gumawa ng kahit anong hakbang na sa tingin ay mapanganib. Nagiging bisyo din kasi ang kahinaan ng loob.
Basta ako, ang motto ko ay---Don't worry about tomorrow, because tomorrow will have it's own worries. Each day has enough trouble of its own. ~ Matthew 6:34

Ang kaperahan sa litrato ay laman ng wallet ko...di ko alam kung papano ko pagkakasyahin hanggang sa susunod na pay day. :p
Posted for Litratong Pinoy
"Prudence is an attitude that keeps life safe, but does not often make it happy."
~ Samuel Johnson
"Prudence is an attitude that keeps life safe, but does not often make it happy."
~ Samuel Johnson
15 comments:
dami mo ngang pera eh, oo nga ok lang hindi mayaman,basta humble, he he he
LP:Masinop
haha, sisihin daw ba ang madalas na sales ng mga malls? ako rin, may tendency na maging "bargain whore." :P
Okay na ngang di ka na masinop tutal halos lahat na naman ng magagandang katangian e nakuha mo na... baka kainggitan ka na ng husto kapag naging masinop ka pa - hahaha! Nag-enjoy akong basahin ang iyong isinulat - pramis!
Ay, classmate tayo 'dyan. "Live and let live" ang motto. ;)
Kahit di mayaman sa pera basta mayaman sa pagmamahal, ok na! :)
Eto ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/10/lp-masinop-neat.html
Magandang araw!!
tama ang nanay mo at tama ka rin. ibig sabihin ang pagiging masinop ay hindi kailangang sobra dahil tiyak hindi ka magiging maligaya sa buhay. Maganda ang simpleng buhay pero minsan din kasi, dapat magpakasaya ng konti gaya ng sale sa mall heheheeh! dami mo ngang pera eh. kaya mo yan hanggang payday.
heheheh super naaliw ako sa first paragraph mo :)
daming pera. hehehe minsan ang hirap mag budget lalo na pag unti na lang ang laman ng wallet at matagal pa ang sweldo.
lalo na ngayon, unti na din laman ng wallet ko :(
happy LP
Uy ang dami ng pera mo! Pahingi b. hehee..para bili ng ice cream. :D Well, you are lucky to have that kind of money in your wallet while waiting for the next payday. Pangarap ko na sana ganun din ako.
Am trying to save as much as i can but...ay but nalang! lol!
happy LP!
Arlene
http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2009/10/lp-ma-sinop.html
pa'no madami yan, pagkabayad ko ng DSL, konti na lang natira.:p
mahirap magbudget, nakakadugo ng utak. kasi lahat mahal na.
Hahahaha! May I hug you? Sobrang aliw na aliw ako sa narration mo. =) Lalo na yung part na, "'Nay, wala naman tayong hacienda..."
OO ako den yata di masinop sa pera, ayoko yatang magtago ng pera. Kaya nga yata may pera para panggasta
AL
Medyo galit din ako sa pera, wala tuloy ipon :( Kasi tama ka, kasalanan ng mga malls (at lalo na ng camera shops) ito eh!
Happy LP, sistah ;)
Thesserie.com
salamat sa pagbisita! oo nga, ang hirap magbudget lalo na kung laging sale sa mga malls. ok na din kasi madami ka namang good qualities :-)
Luna, di ako makacomment waaahhh! Pautang haha
Post a Comment