Na-inspire ako sa bagong salawikain na tinext sa akin---"daig ng maagap ang tulog".
Maagap ang magdyowang suso (maragsa ang bigkas ha?!) na ito, slow motion na nagligawan at gumapang hanggang mamulupot sa baging na hinahangaan. Kahit nakalambitin, ayos lang, basta nakakapit sa narating na katayugan. Malamang nakarami na sila. Samantalang itong musang (o alamid, Asian palm civet) sa panaginip lang malayo ang narating...gabi na kasi kung gumising.
Bow.
Maagap ang magdyowang suso (maragsa ang bigkas ha?!) na ito, slow motion na nagligawan at gumapang hanggang mamulupot sa baging na hinahangaan. Kahit nakalambitin, ayos lang, basta nakakapit sa narating na katayugan. Malamang nakarami na sila. Samantalang itong musang (o alamid, Asian palm civet) sa panaginip lang malayo ang narating...gabi na kasi kung gumising.
Bow.
Isa pang bagong salawikain..."aanhin pa ang kabayo, marami ng motorsiklo." Yan, malungkot tuloy ang mga kabayo. Wala bang konek sa maagap? Meron daw...sabi ng naka-imbento ng motorsiklo. Pero dahil pamahal ng pamahal ang gasolina, balang araw, baka tayo'y balik-karetela. Kaya ngayon pa lang, magtanim na ng damo. Di ba maagap pa rin yon?
Ang hirap ng theme this week, whew!
Ang hirap ng theme this week, whew!
Wala na muna translation, di kaya ng powers ko. Marami na ang nag-attempt i-translate sa English ang "daig ng maagap ang tulog" pero parang weird e. Ano nga ba ang English translation nito?
Check out Litratong Pinoy
19 comments:
pwedeng ring daig ng maingat ang maagap at masipag, nice shots and hapi LP
Yung kumare ko may bago din salawikain, "Di bale ng tamad, huwag lang pagod" LOL!
Kawawa naman ang mga kabayo.
nakakatuwa ang entry mo...may story pa.
hirap ngang gawing ingles ang "daig nang maagap ang masipag". Paano nga ba? HIndi ko napansin na magkapatong na suso iyong unang litrato. hehehe! maagap nga sila. Ang lahok ko ay andito.
ganyan pala ang itsura ng alamid! pambihirang hayop! medyo hawig ng pusa. sana hindi into maging extinct....at kakaiba rin yung mga wild horses na yan.
Dalawang suso pala yon? Galing ng kuha! Tama ka, medyo "nosebleed" din ako sa tema ngayong linggo...hahaha!
Aagapan ba ng damo ang tulog na kabayo?
Imagine mo na lang kung ang mga karetela ay maging sampuan na ren katulad ng mga jeep dyan.
Di ba masaya yon?
AL
Naku, nakakatuwa nanan, malalim ang Tagalog mo Luna. At tawa ako ng binigkas kong maragsa! At yung kabayo mo, pwede na dahil, may horsepower pa!
P.S. May pila din sa Union Station, kaya lang hinintay kong makaalis yung mga tao. heheheh!
Those horses don't look too happy... maybe they should get some sleep!
Nakatutuwa ang entry na ito. Teka lang, anu ba angn ibig sabihin ng "nakarami na sila?" ;)
Daig ng maagap ang tulog. Hahahaha! Grabe, aliw na aliw ako sa entry mo. Ang galing nung pic ng snail.
Korek ka diyan, hahaha :)
My LP:
http://greenbucks.info/2009/10/15/daig-ng-maagap-ang-masipag/
hahaha... gusto ko yung "aanhin pa ang kabayo dami ng motorsiklo". kulit ng gumawa nito.
Great. I think that must be a spotted genet. You don't see their photos too often!
It is a long time since I saw such a good picture of a civet, he looks so peaceful :)
Ha ha ha! Naaliw ako sa entry mo!
" Daig ng maagap ang tulog " - hindi ko na makakalimutan ito ha ha!
Happy weekend, sister!
Thesserie.com
Hahaha.... everybody is lost in translation.
Nakakatuwa ang meme na ito. Lalo na sa tulad kong ang tagalog ay kapira-pirangot. Hindi ko malaman kung saan ako pupulot ng idudugtong.
Karetela o motorsiklo? Sa Karetela pa rin ako!
Buhay na muli si ako!
Teka, so, Huwebes ang Litratong Pinoy? Medyo nalito ako. Pasensiya ka na Madam Miranda. :)
ang galing naman... ano ung picture na pinaka itaas? anung hayop un?
by the way, pwede po tau mgexchange links? cge na. thanks
http://mariancalago.blogspot.com
I love the "daig ng maagap ang tulog" tama nga naman.. Have a great week!
Post a Comment