Thursday, September 3, 2009

Walk of life [lakad ng buhay] - Litratong Pinoy

Sabado ng hapon sa Downtown Seattle, iilan lang ang naglalakad sa bangketa.

Ito naman ang eksena sa panulukan ng Colon at Juan Luna Streets sa Cebu City isang Sabado ng hapon.

Saturday afternoon in downtown Seattle, there were only a few people walking on the sidewalk.

This was the scene at the intersection of Colon and Juan Luna Streets in Cebu City one Saturday afternoon.

Ibang-iba 'no? Pagpalit ng traffic light at nang huminto ang mga sasakyan, parang mga langgam sa dami at sa bilis ang pagtawid ng mga pedestrians. Malamang sa Metro Gaisano mall ang lakad nila o sa simbahan na mga ilang blocks lang ang layo.

Itong si ate naman, naglalakad papalapit kay kuya...mukhang bibili ng manggang hilaw. Astig itong si kuya, hindi sa bangketa kundi sa kalsada naka-pwesto ang kanyang kariton.

Sinusundan ko ang dalawang kuya habang naglalakad papuntang Colon. Naglalako sila ng manggang hilaw at bagoong.

Mas marami talagang makikita kapag naglalakad.

Sa totoo lang, nakakatanggal ng stress ang paglalakad. At kung gusto kong mapag-isa at magmuni-muni, mas gusto kong maglakad kaysa magmukmok. Mas maganda ang aking pakiramdam at mahimbing ang tulog ko pagkatapos maglakad. At napapabuti rin ang aking kaisipan at pananaw. Kaya bumangon ka na dy'an, couch potato!

Walking is a good way to de-stress. And when I need solitude, I'd rather walk than brood. I always feel better and sleep better after walking, not to mention the improvement on my mental outlook. So get up, you couch potato!

Walk your fingers to Litratong Pinoy

18 comments:

an2nette said...

Nakakarelax talaga ang paglalakad, pero mas gusto ko sa mga shopping malls kesa sa mga bundok, nice shots

Mirage said...

Enjoy din ako maglakad at magkuha ng litrato! ;-)

Ang gaganda ng framing ng iyong litrato, lalo na iyong mga may bulaklak!

Photo Cache said...

Love taking street photography altho sometimes na pra praning ako pag nahuhuli akong nagpipiktyur :)

Love all the street scenes you have taken.

RA said...

I'm afraid that I have become a couch potato ;). You are so right about walking, not to mention the interesting views we get. Have a wonderful week :)

Janie said...

So true, walking is wonderful therapy. I like your busy city scenes.

cross eyed bear said...

nakakatuwa naman. saya naman mag-shopping dyan. hehe.

ito naman akin. :) http://impulseblogging.blogspot.com/2009/09/lp-73-lakad.html

Yami said...

healthy ang paglalakad, bawas taba. Ang sarap naman ng manggang hilaw. :)

Marites said...

magkaibang-magkaiba nga ang eksena sa Cebu at Seattle ano..syempre, super dami kasi ang populasyon ng Cebu. maligayang LP!

Oman said...

pansin ko lang kahit ang daming tao eh malinis pa rin ang lugar.

Mauie Flores said...

Marami talagang makikita kapag naglalakad. Hindi ko lang gusto ang maglakad kapag siksikan na ang mga tao.

Eto naman ang lakad namin nitong nakaraang long weekend: http://www.maureenflores.com/2009/09/litratong-pinoy-lakad-walk.html

yeye said...

over populate dna atlaga nag pinas. daming tao hehehe


eto naman po ung akin :D

Lakad. Lakad :)

HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

Lynn said...

Pag napupunta ako ng Cebu, parang hindi ako umalis ng Mega Manila. :)

thess said...

Totoo sinabi mo, nakakarelax ang maglakad at pareho kayo ng sinabi ng mister ko na mahimbing ang tulog pagkatapos nito.
Natouched ako sa 2 kuya na naglalako ng mangga at bagoong...nakakatuwa naman ang tulungan nila.

Sana makatapak ulit ako sa Cebu =)

Happy LP , sister!

Anonymous said...

One cannot compare Asians with others....lol we are better off then most...we seldom not couch potatoe....

shykulasa said...

nakakahiligan ko ring maglakad at kumuha ng mga snap shots, maingat lang ako pag dito sa maynila dahil baka maagaw ang camera, hehe!

salamat sa komento :)

escape said...

i also like walking so much. hahaha... colon the oldest street in the country. i used to walk there too.

Willa @LP:Lakad said...

maganda talaga mag muni muni kapag naglalakad, sa paglakad pa lang ng tao parang makikilala mo na sila.Iba ibang klase ng paglakad,iba ibang kwento ng buhay.

iris said...

"mas gusto kong maglakad kaysa magmukmok" - i agree 101%. o kaya tumakbo :)