Thursday, September 24, 2009

Pike Place Market [Palengke for Litratong Pinoy]

 














 

Sosy ang palengke ko ngayong linggo.  Isa sa pinakalumang palengke ito sa Amerika na nagbukas noong 1907 pa, at dinadayo ng mga turista.  Ang Pike Place Market sa Seattle, isang pampublikong palengke sa tabi ng Elliott Bay.  Hindi lang isda ang mabibili dito kundi  pati mga sariwang gulay at prutas, crafts ng mga local artists,  fresh flowers, may antique shops at tindahan ng comic books.  Maraming restaurants at dito rin matatagpuan ang pinakaunang Starbucks sa kasaysayan ng kape.

 Medyo nagulat ako nang sinabi ng aking kaibigan na pupunta kami sa palengke.  Feeling turista ako e, bakit sa palengke?  Ang pinagkakaguluhan pala dito ay ang pagbili ng salmon.  Kapag may bumili ng isda, dadamputin ng tindero ang 3-foot salmon at ihahagis nya sa isa pang tindero, at ihahagis naman uli hanggang masalo ng  kahero ang isda.  O di ba kakaiba?  Nagulat ako nang maghagisan sila ng isda, di ako nakakuha ng litrato!



Di pa nagsawa, bumalik pa kami sa gabi para magkape at mag-pose sa tabi ni Rachel, ang bronze cast piggy bank at unofficial mascot ng Pike Place Market.  Sa isang taon, umaabot daw sa $9,000 ang nilalaman ng liempo ni Rachel na  hinuhulog ng mga turista galing sa iba't-ibang bansa.


Sino ang mas sexy sa amin ni Rachel, aber?


















Check out the markets at Litratong Pinoy

13 comments:

Diers Eve said...

The pig picture is so funny!
Warm regards from South America,
Val

Ann said...

Looks like it is a nice bright cheerful market place, love the fat pig sculpture.

My Castle in Spain said...

hi dear girl,
glad you're having some fun !
i send you a big hug and thank for all your lovely words of support...

Valerie said...

I like the pink flowers on the roof in your second picture! It looks like maybe a porch or deck up there. How neat!

Ebie said...

Gusto ko yung sosy na palenke mo, maraming preskong isda!

Anonymous said...

Ang sarap siguro mamalengke dyan... salamat sa pagdaan sa aking LP entry.

Dinah said...

mas seksi ka kesa kay piggy :-)
would have loved to see those hagisang ng isda shots! kaso maski ako siguro hind makakapicture sa excitement!

Palengke

Che said...

Na miss ko yang isdang presko! halos frozen lang nakikita ko dito sa aming baryo :)

Magandang huwebes luna!:)

cheh

http://achwieschoen.moderately-confused.com/2009/09/23/litratong-pinoy-palengke/

an2nette said...

of course mas beauty at seksi ka kesa kay piggy, yon pala ang thrill ng pamimili diyan sa palengko ninyo with matching hagisan blues

Thess said...

Gusto kong himasin si rachel, mukhang suwerte eh ha ha! At sister, siguro eh magugulat din ako at makakalimutang kumuha ng litrato kung may biglang maghagisan ng isda sa harap ko lolz!

happy LP and thanks for sharing your experience :)

Thess (thesserie.com)

fortuitous faery said...

salmons from seattle! hindi lang pala kape ang pinagmamalaki nila! at may piggy mascot pa pala ang palengke nila! cute!

agent112778 said...

wow isda, me love fish

sana maibigan nyo rin ang aking lahok

magandang araw ka-litratista :)

Salamat sa pagbisita :)

witsandnuts said...

Nice to see you! Rachel is such a star. ;)