Ang panulukan ng Colon at Juan Luna na yata ang pinakamataong lansangan ang nakita ko sa Cebu. Halo-halo ang tao rito, at lahat ng uri ng sasakyan makikita rin na bumabaybay sa kahabaan ng Colon. Ito ang downtown Cebu at ang Colon ang madalas tinatawag na pinakalumang lansangan sa Pilipinas. Dito rin ang dating sentro ng negosyo at kalakal kung saan matatagpuan ang mga magagarang boutique, opisina at sinehan. Ipingalan ang kalyeng ito kay Christopher Columbus at ang pinanggalingan daw ng Colon ay sa mga plano na ginawa ni Miguel Lopez de Legazpi, ang Kastilang conquistador na dumating sa Pilipinas noong 1565 upang magtatag ng kolonya dito.
Halatang luma na nga ang Colon, ang mga gusali kailangan kumpunihin at pinturahan. Sana maaayos ng lokal na pamahalaan ang Colon---maibalik ang charm ng old Cebu at gawin heritage site ang Colon.
Halatang luma na nga ang Colon, ang mga gusali kailangan kumpunihin at pinturahan. Sana maaayos ng lokal na pamahalaan ang Colon---maibalik ang charm ng old Cebu at gawin heritage site ang Colon.
This is the intersection of Colon and Juan Luna Streets, one of the most crowded streets in Downtown Cebu. A fusion of people and vehicles can be found here. Colon Street is often referred to as the oldest street in the Philippines. It used to be the center of business and commerce in this city where high-end stores, offices and theaters were located. The street was named after Christopher Columbus and its origins can be traced back to the town plan made by Miguel Lopez de Legazpi, the Spanish conquistador who arrived in the Philippines in 1565 to establish a colony.
Colon Street now looks run-down, the buildings need a fresh coat of paint and renovation. I hope the local government would be able to rejuvenate Colon Street and restore the old Cebu charm, possibly making this street a heritage site.
Colon Street now looks run-down, the buildings need a fresh coat of paint and renovation. I hope the local government would be able to rejuvenate Colon Street and restore the old Cebu charm, possibly making this street a heritage site.
Malapit sa Colon ay ang lansangan papunta sa Cebu Cathedral. Walang maayos na tawiran kaya sa gitna ng P. Burgos at Legazpi Streets tumatawid ang mga tao. Marami rin ang nakaparada na vendors sa gilid ng kalsada na nakakasagabal sa daan. Nai-imagine ko ang traffic sa kalyeng ito kapag may misa o okasyon sa simbahan.
Near Colon is a street leading to the Cebu Cathedral. There are no pedestrian lanes so people cross at the middle of the intersection. Vendors are also parked at the side of the street, hampering the flow of traffic. I can imagine the traffic situation here when there is a mass or a church event.
Walk the streets of Litratong Pinoy
10 comments:
It's sad to see an old street fall into disrepair. The city is full of such colourful vehicles!
napakabusy talaga sa lansangan ng cebu! :)
happy LP po :D
Such a busy street.... makukulay ang jeepney sa Cebu, ano? Happy LP!
sana nga mas mapreserve ang mga lumang lansangan for their historical value at hindi yung puro malls na lang.
im based in cebu and nakakatuwa isipin na nandito ang oldest street (colon)
Hindi pa ko nakakapunta dyan. Wish ko lang makapag bakasyon at madalaw yang mataong lugar na yan :)
Happy LP
gustong gusto ko makarating ng Cebu!
LP:Lansangan
nakarating ako diyan one time, busy talaga ang lugar na yan para ring maynila, nice pictures, hapi LP
Dapat ngang imakeover yang streets na yan, one way to boost tourism and businesses. It will do wonders if the Cebu government can clean it up a bit.
Wow! Nakita ko na naman ang oldest street in the Philippines! Alam mo ba, nung unang-unang pumunta ako ng Cebu, sinigurado kong mapupuntahan ko ang kalyeng iyan. Mahilig kasi ako sa mga lugar na may historical significance.
Post a Comment