Thursday, July 16, 2009

Litratong Pinoy: tuyo [dry]

Mga natuyong driftwood sa baybayin ng Cagbalete Island. Galing sa isang ordinaryong puno na nililok ng klima at panahon, at naging katangi-tangi.

Naiisip ko ang iba't-ibang lugar na maaring panggagalingan ng bawat piraso ng kahoy. Nakakaaliw pag-isipan ang pinagmulan at paglalakbay ng bawat sanga o puno, kung paano ito nakarating dito, at kung anong pwersa ng kalikasan ang nagdala nito sa aking kinatatayuan. Naihahambing ko tuloy ito sa buhay, kamatayan at pagkabulok. Mga tuyong labi ng kahoy, makinis, maligasgas, pabilog o di kaya'y namamaluktot---nagpapaalala sa akin ng mga buhay na nilikha at minsan, mga kalansay. Tunay na makahulugan at kaakit-akit.

I found these dry pieces of driftwood along the shores of Cagbalete Island. Natural elements have sculpted unique patterns and shapes on these ordinary pieces turning each driftwood into something extraordinary.

Driftwood reminds me of other places---every piece of wood has come from somewhere else! It is a pleasure to wonder about the origins and journeys of the each piece, how it came to be here, what forces of nature have brought it to these shores. It makes me think of life, death and decay. The bleached remains of trees, smoothly rounded or wrought into contorted shapes remind me of living creatures and or skeletons. It is both symbolic and fascinating.

Posted for Litratong Pinoy

16 comments:

Willa said...

a real work of art! a masterpiece indeed!!

fortuitous faery said...

ang ganda...lalo na siguro pag sinabitan ng mga orkidyas sa hardin.

thess said...

Ang ganda naman talaga ng patterns! I like looking at them but at times, I don't know...kinikilabutan din ako. am I weird? *don't answer that ha ha!*

happy LP sister :)

an2nette said...

maganda ang pagkakakuha sa larawan, nature na nature ang dating

Zee said...

WOw! love shots Miss Luna!

ganda sa texture ng tuyong kahoy :)

Happy LP!

Marites said...

ganda! buti walang kumuha niyan! mahal iyan kung ipagbibili. maligayang LP!

SASSY MOM said...

Ganda ng kuha mo. Nice patterns. Heto naman ang lahok ko

Joy said...

Ganda ng shapes - very organic!

Eto naman ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/07/lp-tuyo-dry.html

Magandang araw!

Buge said...

Ang gaganda! Lalo na yung texture nung pangalawang larawan. Happy LP!

♥peachkins♥ said...

ang ganada ng pagkakuha mo ,Luna!

witsandnuts said...

I always find driftwoods both enchanting and scary. Para syang magical work of art.

Toni said...

Ang ganda ng entry mo. :)

May kwento nga ang mga punongkahoy na ito 'no? Kung sila'y nakapagsasalita lang... medyo nakaktakot isipin pero ang gaganda siguro ng mga makekwento nila!

Unknown said...

The greatest works of art can only be created by God. Happy LP!

Arlene said...

Hi Luna, i love your photos. I got several photos to chose from for the entry this week and i got similar one of your first photo.:) marami talagang tuyo na bagay sa beach no?

I can see a mermaids tail in the third photo. Is that...?

Yami said...

May naalala akong movie tungkol sa tuyong twig o ugat ng puno na may buhay, ah Little Otik, medyo kakatakot nga lang.

ces said...

galing ng kuha! lalo na ang una, maaliwalas