Thursday, June 11, 2009

Litratong Pinoy: Pangarap ko [My dream]


Trafalgar Square in London

Libre ang mangarap. At ang sabi nga ni Paulo Coelho, kapag nais mo ng isang bagay, ang sandaigdigan ay magtutulong-tulong upang makamit mo ito. Sa totoo lang, ang dami kong pangarap---isa na d'on ay ang makahanap ng girlfriend para kay Fritz na magugustuhan din n'ya. Medyo pihikan kasi ang alaga ko. Pangarap ko rin na magkaroon na ng katatagan pang-ekonomiya ang buong mundo sa lalong madaling panahon. Kung hindi man yon mangyayari agad, sana mananalo na lang muna ako ng lotto jackpot para makapag-shopping ako ng todo-todo at makakatulong sa pagpapasigla ng ekonomiya.:D

At kahit medyo imposible sa ngayon, pinapangarap ko rin ang araw na magkakaisa ang mga Pinoy, hindi lang sa mga rally at laban ni Pacquiao kundi pati sa pagkakapit-bisig para sa kabutihan ng karamihan na walang pulitika. At syempre pa, world peace---o di ba, pang Miss Universe?

Pero sa aking pagninilay-nilay habang sinusulat ko 'to, pangarap ko talaga ang makabalik muli sa Europe bago ako magkarayuma at mawalan na ng gana sa pamamasyal. Taon 2005 pa noong ako'y napadpad doon at sana mabibigyan uli ng pagkakataon na maranasan ko ang ibang parte pa ng Europe. Ang mga litratong ito ay kuha nong 2005.

Big Ben in London

Dreams are free. And according to Paulo Coelho, when you want something, the entire universe will conspire to help you achieve it. Truth be told, I have a million and one dreams---one of which is to find a girlfriend for Fritz, I'd like to see his pups soon. I also dream of a global economic and financial stability, but if strategies wouldn't work soon enough, I fancy of winning a lotto jackpot so I could shop till I drop, at the same time help stimulate the economy.:D

It may sound impossible, but I still dream of the day when Filipinos unite, not only at rallies and boxing matches but in working towards the common good sans politics. And of course, like any other beauty queen, I aspire for world peace.:D

But reflecting on what I really wish for most of all, it's my fervent hope to return to Europe before arthritis spoils my appetite for travel. It was in 2005 when I first got the chance to visit Europe and I hope I'd be given an opportunity to experience Europe once again. These photos were taken on that 2005 trip.

Basilique du Sacre-Coeur in Paris

a scary statue at the Duomo in Milan

Buckingham Palace Gardens
Posted for Litratong Pinoy

21 comments:

Yami said...

Matupad sana ang mga pangarap mo ka-LP. Maligayang Huwebes.. narito naman ang aking lahok
http://penname30.blogspot.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html

Ken said...

Your posts both in Filipino and English is just wonderful to read. So loving and familiar. Gusto ko ring bumalik sa Prans parang makunan ng larawan muli yung Sacre Coer. Salamat sa pagkoment doon sa ilio.ph blog ko.

thess said...

Aww sana makahanap nga si Fritz ng karapat-dapat na gf!!
Sana nga ay mabisita mo ang mga lugar na gusto mo ulit makita.

at wish ko rin ang wish mo para sa pagkakaisa ng mga Pilipino..at ng mundo. Sana naman ay mangyari ito, in this lifetime.

Zee said...

Wow! Ang ganda naman Luna! hehehehe Pangarap ko na ring makita ang London... ehehehe :D

Eto ang Pangarap Ko

TeacherJulie said...

Ang gaganda :) Sana nga makabalik ka. Ang cute naman ni Fritz.

Natawa ako sa arthritis, exercise na lang muna ng paglalakad :)

julie said...

Ang gaganda :) Sana nga makabalik ka. Ang cute naman ni Fritz.

Natawa ako sa arthritis, exercise na lang muna ng paglalakad :)

Mauie Flores said...

Hay, world peace. Bakit nga ba kasi sa mga laban lang ni Pacquiao kayang magkaisa ang mga Pinoy? Tsk... tsk... tsk.

Eto naman ang pangarap ko: http://www.maureenflores.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html

escape said...

tama yan. ako naman pangarap ang makapunta ng maldives, bora bora at palau.

ganda ng paris basilica. kaya lang may nagsisimba pa kaya dun?

happy weekend.

Oman said...

alam mo, pangarap ko rin na makakita ng gf si dilbert kaso mana yata sakin. lol.

Snow said...

Napaganda ng mga litrato Miranda. thanks for sharing. ^_^

2sweetnsaxy said...

These were beautiful, postcard shots. I would love to visit England and the rest of Europe one day, specifically because of what your pictures hold.

fortuitous faery said...

Favorite Paulo Coehlo phrase ko yun! :)

UK pa lang ang nararating ko sa Europe...siempre London. I wanna see the rest of Europe, too!

Unknown said...

hi, Lawstude! naku, wag naman sana magmamana sa akin si Fritz---sayang ang lahi n'ya!:D

ipasyal mo lagi si Dilbert, baka may matisod kayong dalawa.:D

Unknown said...

hello, dong! ayos ang mga dream destinations mo--maganda nga sa maldives, nakita ko sa TV.:D

nang binisita ko ang Sacre-Coeur, maraming tao, pero malamang mga turista yon. ang unforgettable sa church na yon ay ang kumakanta na akala ko ay cd, yon pala live! a Filipino friend in Paris told me that the singer was a mongha---imagine a voice a heaven, ganon kaganda ang boses nya.

witsandnuts said...

I also liked (and believe) in that line from The Alchemist. It's great to see you. =)

Arija said...

I wish you luck with your travel plans. Europe is nice to visit, but so expensive too.
I like your travel shots, here's hoping.

pao said...

sana'y matupad lahat ng iyong mga pangarap at mapuntahan mo lahat ng gusto mong puntahan. :)

lino said...

ganda nung basilique ah... :)

Anonymous said...

That's great photos =)

Thank u :) but u must come to Turkiye

www.gezilecekyerler.net

ces said...

uy is datchu? buti ka nga nakapunta na ng Europa:) ako hanggang pangarap pa rin ang makatapak doon:(

Unknown said...

hi, ces! yup, it's moi---in 2005. mas sexy ako ng konti ngayon (hahaha). i hope you'd find yourself in europe one of these days. maloloka ka!:D