Thursday, May 14, 2009

Litratong Pinoy: nang matapos (when it's over)


Dito nagsimula ang magandang samahan...sa isang salo-salo.

Nang matapos ang kainan, ito na lang ang natira---alaala ng masarap na pagkain at masayang kwentuhan. Medyo may pawis pa, himas-himas ang tyan habang nagto-tooth pick ng pinutol na ting-ting.:D
Ito ang masarap na kainan---hindi nagmamadali, ninanamnam ang bawat nguya at tinataguyod ang ating kultura ng pakikisama at pagtitipon-tipon.

Talagang pinagbubuklod tayo ng pagkain...mahirap man o mayaman, lahat tayo nag-eenjoy sa ganitong bonding. At naniniwala ako na gumaganda ang samahan kapag sabay-sabay tayong kumakain. Sa pamilya man, sa magkaibigan, sa magkatrabaho, kahit sa taong di kakilala---ang pagsasalo-salu sa hapag-kainan ay bumubuo ng pagkakaisa at maayos na pagsasamahan. Ang sabi nga lola ko, kahit tuyo lang ang ulam basta pinaghahatian, parang fiesta na rin. At totoo nga, hindi lang sa sarap ng pagkain, kundi sa sarap ng samahan ang nagbubuklod sa ating mga Pinoy.


When it's all over, this is what remains---remnants of good food and fond memories of sharing it with people we care about. Perhaps sweating a little, and affectionately massaging the tummy while using a tooth-pick picked from a coconut broomstick.:p

I love eating like this---unhurried...food is savored, not devoured. It promotes appreciation of food and the cultural experience of shared meals.

Food certainly brings people together...it's our common ground, a universal experience. And I'm a firm believer that eating together promotes harmonious relationships. Whether in a family, in friendships, in the work place, even with strangers---sharing a meal develops unity and a congenial connection with people. My grandmother used to say that it felt like fiesta when the family eats together at dinnertime, even when we were eating dried fish. Indeed, it's not how great or expensive the food is, it's the genuine caring and vibrant relationships that bond Filipinos.

salo-salo together

Posted for Litratong Pinoy

23 comments:

ces said...

ayayay! nakaka-miss ang ganitong klase ng mga salu-salo sa atin:( ang sasarap nyan ha...
here's another entry

thess said...

Naku sister, itong klase ng kainan na ito ang namimiss ko ng husto!! Nakakatuwa tingnan dahil naiimagine ko saya ng salo -salo! Nakakagutom kahit na aftermath na lang tinititigan ko hahahaha!!

Happy LP =)

Buge said...

Diba sabi nga nila mas masayang kumain pag may kasalo? Subukan mong kumain ng Chippy ng ikaw lang mag-isa, parang ang lungkot. Pero kung madmai kayo, kahit maubusan ka masaya pa din.

Happy LP!

EG CameraGirl said...

Lovely post!

Pinky said...

Totoo nga - hindi kumpleto ang isang salu-salong Pinoy kung walang pagkain :) Nice take on this week's theme, Luna. Happy LP!

Mirage said...

Naalala ko yung coke commercial (napanood ko sa youtube lol). Bukod sa masarap na food nga masarap na kapatiran...ayan dinaanan ng bagyo! hihi. Happy LP!

Yami said...

Nakaka-gutom naman ang lahok na ito. Naipakita mo ang tipikal na salu-salong Pinoy. Mahusay. :)

Photo Cache said...

I enjoyed the text in tagalog, ang galing.

Mommy Jes said...

hmmm ginutom ako ah =) hehehe ang sarap nganyang salu salu =) salmata sa dalaw maligayang LP!

kg said...

kakatuwa...parang dinaanan ng bagyo! he! he!

maligayang huwebes!

SASSY MOM said...

Korek! Sabi nga nila, napaka hilig kumain ng mga Pinoy. Lahat gagawan ng okasyon para maghanda
Heto naman ang aking lahok.

Sidney said...

Yes, you are right food brings people together.
Family & food gatherings with Filipinos are always something special!

Oman said...

pinoy na pinoy talaga ang mga kuha mo dito at binagayan pa ng tagalog na kwento. masaya at masarap talaga maging pinoy.

Willa said...

sarap naman ng salo-salo na iyan, na kung pwede lang eh hindi na natapos. :)

julie said...

Totoo yan, basic need kasi ang pagkain at isa ito sa mga pagkakataong mag-usap at magkasama sa isang relaks na atmosphere.

Kaya nga sa mga pamilya, importante ang nagkakasama-sama sa hapag-kainan :)

escape said...

simut sarap talaga. hehehe... kakagutom tuloy.

2sweetnsaxy said...

Looks like a good time was had by all. Now I'm hungry. :-)

Anonymous said...

I totally agree with you the joy of having food with Phil is toooooooo special thanks for taking back to my old memories

2nette said...

Hi! ginutom ako bigla at nahomesick, sarap talagang kumain pag sama sama

iris said...

ang sarap ng kainan ah. only in the philippines :)

agent112778 said...

me too loves to take "nang matapos" ang kaininan table at gagawin kong header banner sa blogsite

sana maibigan nyo rin ang aking lahokmagandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

yeye said...

parang ganito din ang aking LP ehehe



eto naman po ung akin :D

nang matapos naHAPPY LP :D

Anonymous said...

its mouth watering....yummyyy