Thursday, April 30, 2009

Litratong Pinoy: tulay (bridge)

Ang Tulay ng Malagonlong sa Tayabas, isang tulay na bato na ginawa noong 1840 at natapos noong 1850. Isa sa mga nalalabing tulay na bato sa bansa na ipinagawa sa panahon ng pananakop ng mga Kastila.

Ang ganda nga ng tulay na bato na isa sa mga landmarks ng Tayabas. At nakakatuwang isipin na buo pa ang tulay na ito pagkaraan ng 159 taon. Lumakad ako sa ibabaw ng tulay na hindi na pinadadaanan sa mga sasakyan. Tao at mga kalabaw na lang yata ang tumatawid dito. Parang nabawasan lang ang ganda ng tulay na bato dahil sa isang bagong tulay na itinayo sa tabi nito.

Para makakuha ng mas magandang litrato, bumaba ako sa ilog kung saan may mga naglalaba pa. Mabuti naman at wala masyadong pagbabago sa ilog na 'to...malinis pa rin ang tubig. Madadaanan ang tulay galing Tayabas papuntang Mauban, Quezon.



The Malagonlong Bridge in Tayabas, a charming stone bridge constructed in 1840 and was completed in 1850. This is one of the remaining stone bridges in the country that was built during the Spanish colonial times. One of the landmarks in Tayabas, the stone bridge was indeed beautiful. And it's amazing that it still stands after 159 years. I walked across the bridge where motor vehicles are no longer allowed to pass for safety reasons. The bridge was a grassy, muddy trail and it looked like only carabaos (water buffalo) and people have crossed this bridge for a while now. If not for the new bridge constructed beside it, the old bridge would have been perfect. I decided to go down to the river to take better photos. And I found these two ladies washing clothes. It looks like nothing much has changed around this place...the river is still clean. This old bridge is along the highway in Tayabas going to Mauban, Quezon.

naglalaba habang naggi-girl talk ang magkumare
the new Malagonlong Bridge


Posted for Litratong Pinoy

20 comments:

agent112778 said...

akala ko sa abroad, dito lang pala sa quezon. nice pix, thanx for sharing

sana maibigan nyo rin ang aking lahokmagandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Willa said...

hayyy....kahit hate ko ang paglalaba, pero parang ang sarap naman maglaba sa ilog na yan,parang napaka presko!!

Mirage said...

Ay ang ganda nga, kitang kita ang estilo at porma ay mula sa lumang panahon...at lalo na nga sigurong pinatibay ano. Happy LP!

betty-NZ said...

I love bridges! Great photos you have there.

JuneMoonToon said...

BEAUTIFUL pictures, and thoughts! Thank you for sharing.
June

milet said...

mahirap na trabaho ang paglalaba buti na lang may kachika sila. haha. ganda ng shots. happy LP!

HiPnCooLMoMMa said...

ang sarap makakita ng anything na luma na noh at ang sarap litratuhan

Photo Cache said...

Ganda ng bridge na yan ah. I love bridges, but I don't see much made of stone.

2sweetnsaxy said...

Great shots. I really like that bridge. I can imagine a horse and carriage rolling across it.

Marites said...

ang ganda niya, matibay talaga ang mga sinaunang tulay ano..wala pa sigurong pangungupit noon at materyales na maganda ang ginamit. maligayang LP!

shutterhappyjenn said...

Ay ako rin akala ko isteytside itong tulay! Sana makita ko rin ito...

Ang aking tulay ay nakapost dito. Gandang araw!

julie said...

Ang ganda ng tulay na yan :) Aliw naman ang magkumare :D

bertN said...

Mabuti naman at hindi lang pala mga simbahan ang naiwang ala-ala ng mga Kastila sa atin.

Four-eyed-missy said...

Ang ganda!
Sana na-preserve natin ang mga ganyang istruktura. Mukhang matibay pa ang tulay a. Parang gusto ko ring magtampisaw sa ilog at makipag-chikahan sa naglalaba.

Sreisaat Adventures

Pinky said...

Very quaint! Thanks for sharing one of the "beauties" the Philippines can be proud of :)

ces said...

isa sa mga paborito kong tulay ang ganitong arch/stone bridge...dahil na rin siguro sa pagpapahiwatig nito ng mga nakaraang panahon.

emarene said...

ang ganda! yung sa photo na may naglalaba parang maka time travel ka - sa panahon ni FPJ. Yung old movies na merong bad guys tapos darating yung mga good guys...

Joe Narvaez said...

Ang galing! May mga "natatagong" lumang tulay pa pala na ganito. Salamat sa pagbabahagi!

JayAshKal said...

Kala ko wala nang ganitong batong tulay sa Pinas. Great to see na meron parin, parang nakarating na rin ako sa Tayabas. Nakakagulat pati na ang mga naglalaba sa ilog. Una malinis pa pala ang ilog sa Tayabas, at ang pangalawa; meron pa ring naglalaba ng ganitong istilo. Ang gandang tignan!

cameron batino said...

Ma'am/Sir,
May picture ba kayo ng isang unfinished earth or land bridge sa pilipinas? Kasi napanood ko sa isang tv show yung story ng tulay na yun. Yung lalaking manliligaw nag-offer sa babae na ipagpapagawa sya ng tulay sa loob ng isang gabi. Tapos nakita ng mga tao na yung mga workers ng tulay ay hindi mga tao, meron silang wings. Sabi ng iba mga demons daw yun. Tapos nagliparan daw yung mga workers dahil nakita sila ng mga tao, kaya hindi natapos yung bridge.