Friday, April 3, 2009

Litratong Pinoy: paboritong litrato (favorite photos)

Medyo marami rin akong pinagpilian---pinagmuni-munihan ko pa ito. Pero hands down, ito talaga ang paborito ko. Siguro dahil love ko si Fritz at may kilig sa puso ko kapag tinititigan ko ang litratong ito. Nilalaro at hinahabol n'ya ang kamay ko no'ng kinuha ko ang litrato. Malambing kasi itong baby ko at gusto laging kinakamutan, at makikita mo naman sa mga mata ni Fritz kung gaano n'ya kamahal ang may hawak ng camera.

From a couple of photos I was considering, I chose this snapshot of Fritz as my favorite. Maybe because I love Fritz and there's a tug at my heartstrings when I look at this photo. He was frolicking and playing with my hands when I took this snapshot. Fritz loves being scratched and I'm always too happy to oblige, and you can see from his eyes how he adores the photographer.

Ito pa ang isa kong paborito---litrato ni Lyca, kapitbahay ko. Apat na taon si Lyca, at tulad ni Fritz, unconditional din s'ya magmahal. Medyo sumpungin ang batang 'to at kung trip n'ya umiyak maghapon, walang makakapagpatahan sa kanya. Medyo nahihiya s'ya sa akin dati pero dahil kay Fritz, close na kami ngayon. Kapag may pupuntahan s'ya at naka-japorms, dadaan muna s'ya sa bahay para ipakita sa akin ang kanyang damit at sapatos. S'yempre, dapat may kasamang pictorial. At isang kiss lang ni Fritz, nawawala ang kanyang S.:-P

This is another favorite---Lyca's photo in one of her good days. Lyca is my 4-year old neighbor who, like Fritz, also loves unconditionally. This kid has quite a temper and when she's in the mood to cry, nobody can make her stop. Lyca used to be a bit shy with me but because of Fritz, she has become a fixture at my doorstep. When she's going somewhere, she would stop by my house to show off her dress and shoes. Naturally, a pictorial would follow. And just one wet kiss from Fritz, her bad temper disappears.

Posted for Litratong Pinoy

6 comments:

escape said...

ayan ulit si fritz. sanay sa camera si fritz. pwede na magkaroon ng sariling blog yan. everyday with fritz.

cute ni lyca.

Panaderos said...

Very cute pics. Fritz's eyes do say it all. Same with Lyca. :)

milet said...

ang ganda ng kuha kay fritz ha. sanay magproject.

salamat sa pagbisita,

witsandnuts said...

Anong breed ni Fritz? Kahawig nga yung doggie ko dati (but he's gone na...)

Unknown said...

hello, witsandnuts! Fritz is a mixed breed, japanese spitz ang nanay n'ya, tatay n'ya tisoy na japanese spitz din.

witsandnuts said...

Mine was a spitz, too. Not sure nga lang if tisoy yung tatay nya. Lol. =)