Thursday, January 8, 2009

Litratong Pinoy: pula (red)


Malapit na ang Chinese New Year kaya naisip kong ilahok itong mga litrato ng Taoist Temple sa Cebu. May mahalagang kahulugan ang pula sa kultura at kasaysayan ng mga Tsino---nangangahulugan ito ng pagsasamang muli, swerte at kaligayahan, magandang kalusugan, pagkakaisa, kapayapaan at kasaganaan. "China Red" ang tawag ng mga Tsino sa pula at ito ay isang simbolo na nagbibigay kulay sa kaluluwa ng pagiging Tsino.

Ang Taoist Temple ay nasa bulubunduking bahagi ng Beverly Hills Subdivision, isang marangyang kumonidad sa Cebu. Sa mga balkonahe ng templo matatanaw ang ang downtown Cebu pati na rin ang dagat.


Soon, the Chinese will be celebrating the New Year so I thought of posting these photos of the Taoist Temple in Cebu. Red is a significant color to the Chinese and it has a rich meaning in their culture and history---signifying reunion, good luck and happiness, health, harmony, peace and prosperity. The Chinese calls it "China Red", a symbol that gives color to the soul of being Chinese.


The Taoist Temple is located at the hilly area of Beverly Hills Subdivision, an affluent community in Cebu. The balconies offer a scenic view of downtown Cebu and the ocean.

Posted for Litratong Pinoy

19 comments:

fortuitous faery said...

oo nga...malapit na ang chinese new year...year of the ox (na ox sa konting....:P)

the chinese really revere the color red...lucky nga raw.

i almost posted a red dragon dance from last year's chinese new year...pero alam ko maraming makakaisip ng chinese new year. hehe. :)

arvin said...

malapit na naman kaming magkaroon ng tikoy, hehehe. hmmm, sana swerte ang mga rabbit ngayong year of the ox.

Joe Narvaez said...

Uy parang dito sa HK galing yang shot mo ah. Nice!

Anonymous said...

wow! another awesome photoblog!

Anonymous said...

Nung nag-aaral pa ako sa atin yung red ay isang kulay na kinatatakutan naming makita sa aming grades.

Ang singko (they used to grade us from 1 to 5, one being the best and 5 is the worst or bagsak) ay kulay pula and every other number grade is black. 3 is pasang-awa, 4 is you are given a chance to repeat the course within a year's time without a failing grade on record, provided you pass the next time around.

Kaya nga hanggang ngayon pag nakakakita ako ng kulay pula ay napapatakbo ako ng mabilis palayo LOL.

Carnation said...

oo palagi rin kaming naka pula or shade of it pag chinese new year dinner sa in-laws. eto lahok ko: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/01/lp40-pula-red.html

purplesea said...

so yun pala ang meaning ng red sa mga chinese. ganda nga naman ng meaning. malapit na chinese new year... kailangan may red, crisp, 50 pesos ako sa wallet. hehehe! yun kasi sabi nila, kahit 50 pesos lang, lucky color naman yung color nya.

Happy LP!

Anonymous said...

oo nga pala, Chinese New Year na ang susunod...
haoi nu yir uli! :-)

Anonymous said...

malapit na nga Chinese NY, mamumula na naman ang kapaligiran!

happy LP!

Oman said...

ang ganda ng mini-great wall nila jan and i like the huge green dragon too.

agent112778 said...

sa pebrero pupunta din ako jan :)

eto aken lahok

magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

♥peachkins♥ said...

Kung Hei Fat Choi!..este..
Happy LP pala!

Salamat sa pagbisita..

Anonymous said...

kahit hindi kami chinese, pumupunta kami sa taoist temple pag chinese new year. yun ay noong nasa pinas pa kami. :D

 gmirage said...

ayyyy tikoy sa pulang kahon agad ang naisip ko!!
di ba pula din ang flag nila, kaya pala ganun pala ang halaga ng pula for them ;-)

ian said...

marami talagang karunungang masasagap sa mga kapatid na Tsino, ang iba napatunayan na ng Kakanluraning siyensya, yung iba naman tanggap natin maski walang ganoong pruweba, lalo na sa larangan ng kalusugan =]

Anonymous said...

Naisip ko rin ngang mag-post ng "ang pao" pero di ko na makita yung naitabi ko dati... I've always been very interested in how the color red has played such an important part in Chinese culture - thanks for sharing!

Anonymous said...

ay! kung hei fat choi!

Unknown said...

thank you, thank you, thank you for visiting. appreciate all your comments!:D

paulalaflower♥ said...

swerte daw kaming mga snake ngayong taong ito. :D

magandang araw kaLP!

eto ang aking lahok: http://paulalaflower.blogspot.com/2009/01/lp-01082009-pula.html