Thursday, November 27, 2008

Litratong Pinoy: Ang Pagwawagi! (victory)


Hindi na kailangan magyabang o gumawa ng intriga para mapansin ang taong ito. Kung pagwawagi ang pagbabasehan, wagi ang talentadong Pinoy na 'to. Mapanalunan mo ba naman ng grand prize sa World Championships of the Performing Arts sa Hollywood kung saan ang nakalaban mo ay higit 3,000 performers galing sa 52 bansa, ubo mo pa lang napapahanga na ang mga tao. At maliban sa grand prize, may 6 medals pa s'yang nakamit sa contest na 'yon---talagang grand slam! Ito pala ay si Jed Madela, isang singer na tubong Iloilo City. Kumanta si Jed sa aking dinaluhan na buyers’ night noong April at namangha ako sa ganda ng kanyang boses. Hindi talaga matatawaran ang galing ng Pinoy sa pagkanta. Kita mo, animo’y paparazzo rin ako nang gabing yon.:D


With this kind of talent, there’s no need to brag or create some intrigue to get attention. If we talk about being victorious, this talented Filipino is definitely a winner. When you’re a grand prize winner in the World Championships of the Performing Arts held in Hollywood where you bested over 3,000 contestants from 52 countries, a mere cough would excite the audience. Aside from the grand prize, he also won 6 medals in that contest. His name is Jed Madela, a young singer who grew up in Iloilo City. Jed performed in a buyers’ night I attended last April and I was amazed at his singing voice. Filipino singers are really world-class. I felt like a paparazzo that night. :D

More winning photos at Litratong Pinoy.

13 comments:

Anonymous said...

Mangha rin ako sa talento niya, ang lawak ng range ng voice!

Ang LP entry naming magkapatid ay makikita dito at dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!

purplesea said...

isa nga sya sa mga napakagaling na singers sa ating bansa pero parang di sya masyado ganun ka-visible?
happy LP!

Tanchi said...

napakagaling nya talga..
:)
nagbibgay ng katwiran sa ating pagkapilipino:)

eto ang lahok ko:

monkeymonitor.blogspot.com

Anonymous said...

grabe boses nyan... astig!

Anonymous said...

Sayang aat pinalampas ko ang pagkakataong makita siya noong nagpunta sila dito sa Toronto last weekend

Kudos sa mga Pinoy talents!!!

Anonymous said...

Sayang at pinalampas ko ang pagkakataong makita siya noong n agpunta sila dito sa Toronto last weekend.

Kudos sa mga Pinoy talents!

♥♥ Willa ♥♥ said...

yan ang galing ng pinoy!!
LP:Pagwawagi

Marites said...

basta kantahan, walang tatalo sa Pinoy. May kaibigan kaming Aleman noon at talagang ubos ang bilib niya sa Pinoy sa kantahan at sayawan. Dangan naman kasi, maski bata talang kumakanta sa atin.

ka bute said...

he's indeed a great singer :)

Anonymous said...

Yan ang Pinoy - may galing na di matatawaran sa buong mundo. Panalo talaga!

Anonymous said...

magagaling talaga ang mga Pinoy singesr, world class :-)

Anonymous said...

Naku naintriga tuloy ako kasi hindi ko sya kilala! Sana meron syang video sa you tube *mahanap nga*

Happy LP!

escape said...

hindi ko pa man masyadong naririnig kanta nya pero alam kong magaling talaga sya.