Thursday, September 4, 2008

Litratong Pinoy: Tanso (Copper)



Sa temang "tanso" ngayong linggo, ito ang aking lahok.

Ito ay isang higanteng Haring Ibon (Philippine Eagle) na kulay "tanso". Matatagpuan ito sa People's Park sa Davao City at nilikha ng Dabawenyong iskultor at pintor na si Kublai Millan. Sa ilalim ng pakpak ng inukit na aguila ay pahingahan ng mga tao sa plasa at tagpuan ng mga magkakaibigan.

Ang Haring Ibon ay sagisag ng Pilipinas at pambansang ibon.


This is my post for this week's theme, "copper".

This is a gigantic copper-colored Philippine Eagle at the People's Park in Davao City. This sculpture was created by Davao artist Kublai Millan. People who come to the park have found a resting place under the eagle's wings, it is also a place where friends meet and get-together.

The Philippine Eagle is a national emblem and the Philippines' national bird.
More "copper" photos at Litratong Pinoy.

10 comments:

Anonymous said...

Impressive ang Higanteng lawin na yan ah!

escape said...

galing ng gumawa nito. tingin ko matagal din nya tinapos ito.

hahanapin ko to pag nakapunta ako ng davao.

Anonymous said...

sana makapunta rin ako ng davao :)

Masayang LP Huwebes sa inyo.
eto po ang aking lahok.

Anonymous said...

How intimidating naman ng iskulturang yan - tagal nga sigurong ginawa yan ano?

Happy LP sa iyo!

Anonymous said...

uy ito na ata ang pinakamalaking lahok sa linggong ito! nice!

Anonymous said...

Ang galing! Na miss ko tuloy ang Davao:)

Meron din akong lahok,HERE pag may oras ka lang daan naman:)

fortuitous faery said...

ang gandang landmark nito!

Anonymous said...

mahusay ang pagkakagawa! nakakamangha! gandang araw ^_~

Bella Sweet Cakes said...

magandang lugar na puntahan ito ah,, di pa ko nagawi dyan sa Davao!!! ang laki pati ng eagle, kaakiy akit na lugar...

 gmirage said...

Ang laki nyan!!! nde ako naksali ngayon bawi ako sa sunod :D

Ako din di pa nakapunta ng davao, pero sa dahil kay Luna, nakikita ko ang mga kamanghamanghang tanawin!!!