Thursday, July 3, 2008

Litratong Pinoy: Tatak Pinoy


Tatak Pinoy #1: Bahay Kubo


Ito ang kauna-unahan kong pagsali sa Litratong Pinoy. Ibabahagi ko sa mga sumali ngayong linggo ang litrato ng bahay kubo na aking nakita sa Samal Island. Ito'y pahingahan ng mga bisitang dumadalaw sa kweba kung saan nakatira ang milyon-milyong paniki.


Tunay na Tatak Pinoy ang bahay kubo sapagkat ito ang ating pambansang bahay bago pa dumating ang mga Kastila, gawa sa kawayan at dahon ng nipa o niyog ang bubong. Ang tradisyonal na bahay kubo ay walang silid at ang mga gawain ng isang pamilya ay nagaganap lahat sa loob ng apat na sulok ng bahay. Sa mga probinsya, marami pa rin ang nakatira sa bahay kubo...mura lang ang mga materyales at mas maaliwalas. H'wag lang masyadong malakas ang bagyo, ang bubong na nipa o niyog ay nakakapagbigay naman ng sapat na proteksyon. Ang bahay kubo ay nagsisimbolo rin sa konsepto ng bayanihan na isang importanteng bahagi ng ating kultura.



This is my first entry to Litratong Pinoy. To those who participated this week, I'd like to share this photo of a nipa hut that I saw in Samal Island. This nipa hut is a resting place for guests who visit a nearby cave that houses millions of bats.


The nipa hut is an icon in Philippine culture and considered as the home of native Filipinos before the Spanish came...it is constructed from bamboo, the roof is made of nipa or coconut leaves. The traditional nipa hut is a single-room dwelling where all family activities happen in one space. Nipa hut is still being used as a domicile today, especially in the rural areas...the materials are inexpensive and the design provides good ventilation. Except for a really strong typhoon, the nipa hut can withstand bad weather. The nipa hut is also prominent in "bayahihan" (or a spirit of communal unity) which is an integral part of the Filipino culture.


22 comments:

Anonymous said...

Ang gandang bahay kubo! Sarap matulog diyan!

Ang aking lahok ay naka-post na rin sa aking blog:
Shutter Happenings.
Sana makadaan ka rin!

escape said...

ang sarap ng buhay sa probinsya! sa samal island pa? pangarap kong pumunta dyan.

fcb said...

welcome to LP!

btw, i love this quote:
You have enemies? Good! That means you've stood up for something, sometime in your life...

very true!

Unknown said...

Salamat sa pagdalaw, @--->---.:)

Unknown said...

Oo nga, dong...simple lang ang buhay.:D Itaon mong may festival pagpumunta ka sa Samal Island para mas masaya. Do'n mo makikita ang hospitality ng mga taga Samal.

Unknown said...

Salamat sa pagdalaw mo, shutterhappyjenn. I'll check out your post in a few seconds.:D

Anonymous said...

mukhang napaka-presko sa bahay kubo na 'yan... sarap uminom ng buko at kumain ng halayang ube... habang nagbabasa ng libro

cross eyed bear said...

kahit munti... basta puno ng pagmamahal. classic talaga ang bahay kubo at pinoy na pinoy.

Unknown said...

tama ka jan, betchay. idagdag mo na ang halo-halo o di kaya'y nilagang saba at kape barako.:D salamat sa pagdaan mo dito.

Unknown said...

salamat, anj.

 gmirage said...

Bahay kubo, kahit munti....ito na ang pangatlong kanta na mayroon para sa temang ito, una ay "tayo'y mga pinoy," "bulaklak" ngayon ay "bahay kubo, dapat talagang karaoke ang inilahok ko lol...hanapin ko nga.

Luna, ang tatay ko ay mayroon ganitong negosyo matapos nyang magretire sa pagbabarko hehe, marami kaming kubo sa harap ng aming bahay dahil doon at talaga namang masarap magpahinga palagi!

Welcome to LP! Mageenjoy ka dito sa magagaling at makukulit na mga litratistang pinoy!

Anonymous said...

Welcome sa LP! Tama ka, isa na marahil sa pinaka-tatak Pinoy ang bahay kubo. :)

Napapasyal din ako sa site mo at lubusang naaliw sa aking pagliliwaliw! You have such interesting topics and views on things that I think I'll drop by more often if you don't mind...

PS SUre ka di halaw sa iyo ang teleseryeng Lobo? Biro lang po!!! :lol:

Unknown said...

Salamat, Gizelle. Kung di dahil sa 'yo, di ko maisipan sumali sa mga forum na 'to. Kailangan ko ng motivation para lumabas at manguha ng litrato ng kung ano-ano.:D

Talaga? OK na negosyo ang mga bahay kubo lalo na sa tag-init. Akala ko sa Pampanga lang uso ang ganitong negosyo.

I'm already enjoying myself, G. Very creative ang mga litratistang Pinoy...kakaaliw.:)

Unknown said...

You're very welcome to come back anytime, Pinky. Natuwa nga ako't nadalaw ka at nasiyahan sa pagliliwaliw mo dito.:D

Hahaha Kung pwede nga lang umextra 'tong alaga ko e, para kumita naman ako!:D "Lobo" nga ang tawag sa kanya ng mga kapitbahay. "Puti" naman ang pangalan sa kanya ng landlord ko. Pag ipinasyal ko naman, "Powder" ang tawag sa kanya. Buti nga di nalilito si Fritz.:D

Salamat, Pinky.

Anonymous said...

uy nice, di pa yata ako nagagawi sa part na yan ng samal island, hanggang dun lang ako sa paradise eh, hehehe...

lidsÜ said...

bahay kubo! ang ganda!
magandang araw sa'yo!

Unknown said...

sabagay, maganda kasi sa paradise...prang di ka na aalis pag nandon ka.:D next time, lino, bisitahin mo mga paniki para makita mo ang bahay kubo.:)

Unknown said...

magandang araw din sa 'yo, lidsu. salamat sa pagdaan mo dito.:)

Anonymous said...

It is well known that we Portuguese once sailed the seven seas searching for new lands, wealth and adventures.
We were brave in those days and gave the world new worlds!

Luckily I don’t have to sail the big oceans on a small ship to sea the wonders of our world …
No Sir, I just need to check with Mr. Tom, the finest host there is, for a trip around the world with SKY WATCH TOURS and with a click here, a click there I am quickly in the USA, England, Brazil, Italy, China, Australia, Finland … well, everywhere.

And on each stop I come to see a little marvel of our world under a great sky!
Hope you can come and see my piece of the sky at lenses & visions

Anonymous said...

welcome to lp! ang galing ng kuha mo ng bahay kubo :)

happy weekend!

Unknown said...

salamat, mommyba! wishing you a great weekend!

Tes Tirol said...

ako gusto ko magtayo ng modern na bahay kubo para sa amin


happy lp!