Wednesday, July 16, 2008

Litratong Pinoy: Luntian (Berde)


luntian sa bundok ng Tanay (green foliage in the mountains)

Manila American Cemetery and Memorial grounds



Ang salitang “berde” ay nanggaling sa makalumang salita na “growan” o pag-usbong, o pag-tubo. Kadalasan, ginagamit ang salitang ito sa paglalarawan ng mga halaman at karagatan, at bilang simbolo ng mga lupon ukol sa kapaligiran. Ang berde ay sinasabing maaliwalas na kulay at iniuugnay sa kalikasan. Upang ipamalas ang "berdeng" tema sa linggong ito, inilalahok ko ang mga litratong kuha sa kabundukan ng Tanay at sa American Cemetery sa Global City.





Green is closely related to the Old English verb growan, “to grow”. It is often used to describe plants and the sea, and has become a symbol of environmentalism. It is frequently described as a “cool” color and is associated with nature. To depict the “green” theme this week, I am posting photos taken on the mountains of Tanay and from the American Cemetery in Global City.


dito masarap magmuni-muni (a place for contemplation)


24 comments:

Dr. Emer said...

Ang lahok ay isa sa mga nalalabing berdeng kalikasan na puedeng puntahan maski na sa siyudad ka. Maaliwalas sa paningin at nagdudulot ng kapayapaan sa mga pagod na tulad ko.

Maligayang Huwebes!

Anonymous said...

I agree with Dok! maaliwalas ngang tunay sa paningin maging sa pakiramdam ang mga lahok mo

fortuitous faery said...

malamig pagmasdan sa mata ang iyong luntiang mga litrato....

narito naman ang sa akin...

 gmirage said...

Yung pangatlong litrato, kung uupo ako diyan at hihiga, para na din akong nasa paraiso! Tahimik at nakikipagusap ka sa Diyos sa pagtanaw pa lang sa walang hangganang luntian.

Ano ba Luna, lagi mo ko dinadala sa paraiso sa pammagitan ng mga litrato mo, kung hindi dagat/dalampasigan, luntiang damuhan eh pagkain din!!! haha, Happy LP! Enjoy! :-)

Anonymous said...

Ang gandang sementeryo naman niyan! Ang gaganda ng mga luntiang puno!

Ang aking LP ngayong linggo ay makikita sa blog na ito:
Shutter Happenings.

Daan kayo ha? Salamat!

Photo Cache said...

sarap maglakad ng nakapaa sa pics 2 and 3.

Anonymous said...

love the last pic... seems so quiet...

lidsÜ said...

napaka-peaceful talaga!
magandang huwebes sa'yo!

Anonymous said...

that is beautiful. di mo aakalaing cemetery sya. happy thursday ;)

♥ mommy author ♥ said...

green n green! ganda!

eto naman ang sa akin

http://whenmomspeaks.com/2008/07/lp-luntian/
http://www.buhaymisis.com/2008/07/lp-luntian.html
http://www.kathycot.com/2008/07/lp-luntian.html

nutart said...

Ahh! I grew up near the American Cemetery and my mom would "steal" some of the plants growing there. She would of course do this by asking the gardeners to give her some of the discarded plants and so our garden would be a mini American Cemetery garden! We love running on those bermuda grasses!

Greeneries should really be encouraged and even strictly enacted by our government in the urban areas. maybe our floods will diminish with so many gardens around!

Anonymous said...

love the second shot luna... nice... happy thursday!!! :)

Anonymous said...

para ngang ang sarap mag muni muni dyan sa napakagandang damuhan. ang tyaga din siguro ng hardinero ng lugar na iyan :D

Cookie
http://scroochchronicles.com/

Anonymous said...

what i like about green is that it is a calming color. malamig sa mata. anyway, ganda ng mga pics mo.

arvin said...

Mahilig pa naman ako sa nature trips, ang sarap kasi mamasyal, kasi presko't kaaya-aya ang lugar:D

Anonymous said...

bermuda grass ba yan?

Anonymous said...

Masarap ding magpaa sa damuhan! Nung makita ko ang larawan mo ng bundok ay bigla kong namiss ang bundok!

Magandang araw!

Anonymous said...

ang gandang sementeryo, napaka aliwalas!

hello Luna, happy LP sa iyo :)

Tes Tirol said...

mahilig din ako magmuni-muni lalo kung ganyan ka ganda ang sementeryo :D

happy lp!

HiPnCooLMoMMa said...

ang ganda ng lahok mo...well maintained ang lawn sa cemetery, i am impressed.

Anonymous said...

Paborito ko sa Tanay, napakaganda. Dangan lang eh napakaraming motor ang pumupunta dun kaya naging parang magulo at maraming disgrasiya.

Oman said...

a place for contemplation indeed. great shots miranda.

Anonymous said...

Ang payapa naman ng pakiramdam tignan yang sementeryong yan - bagay na bagay sa mga nakahimlay doon.

Neri said...

wow ang sarap ngang magmuni-muni dyan. gusto ko ang pagkakaiba ng talahiban at "manicured grounds." the wild meets the civilized kaya? hehe.

maraming salamat po sa pagdaan! maligayang paglilitrato!

kung may oras pa po kayo, kung pwede lang na pakiboto ang blog kong NER sa www.carlotaonline.com. maraming salamat po uli :)