Thursday, July 31, 2008

Litratong Pinoy: Dalampasigan (beach, sea shore)


dalampasigan ng Santiago Bay, Camotes Island


Napakaraming magagandang dalampasigan sa buong Pilipinas na umaakit ng mga turista galing sa iba’t-ibang dako ng mundo. Ang Pilipinas ay kasing–lawak lamang ng Arizona ngunit ang ating baybayin ay may haba ng 36,289 kilometro, isa sa pinakamahaba sa buong planeta, at pangatlo pagkatapos ng Canada at Indonesia. Ang United States ay meron lamang 19,924 kilometrong baybayin.

Iba’t-iba ang makikitang dalampasigan sa ating 7,107 na kapuluan. Merong mabato, may mga kabibi at sigay, ang iba ay merong mala-pulbong puting buhangin, at may kulay asul at berdeng karagatan. Sa kasamaang-palad, ang ilan nating baybayin ay nagiging marumi na dahil na rin sa kapabayaan ng bawat isa. Isa sa ating dapat ikabahala ay ang lumulubhang polusyon sa ating mga bakawan kung saan nangitngitlog ang mga isda at iba pang lamang-dagat.

Ang pamahalaan, kasama ng mga komunidad na naninirahan sa tabing-dagat ay kailangan magtulong-tulong sa maayos na pamamahala ng ating mga baybayin upang masugpo ang mga naglalahong dalampasigan at masagip ang ating mga coral reef at iba pang laman-dagat para sa susunod na henerasyon.

tanaw ang dalampasigan sa Samal Island

dalampasigan ng Talicud Island, Davao del Norte

dalampasigan ng Lu-Li (lulubog-lilitaw) Island, Honda Bay
Spectacular sea shores are abundant in the Philippines. Sublime beaches attract tourists from all over the world. Though the Philippines is roughly the same size as Arizona in total area, it has 36,289 kilometers of coastline, one of the longest combined coastlines in the planet (third after Canada and Indonesia). The United States, in comparison, has only 19,924 kilometers of coastline.

Our 7,107 islands have varying coastlines. Some are rocky, some are adorned with pebbles and shells, and some have powdery white sand, with blue-green, crystal waters. Unfortunately, some coastal waters are becoming dangerously dirty. One of our current environmental concerns is the escalating pollution of coastal mangrove swamps, the breeding grounds of fish and other marine life. Not to mention the trash people left behind.

The government, with the support of communities living in coastal areas, should be serious in coastal management to stop the fast disappearing shore-lines, and preserve our coral reefs and other marine ecosystems for future generations.


dalampasigan sa Subic, Zambales

dalampasigan sa White Rock, Zambales

For more photos, please visit Litratong Pinoy.

24 comments:

♥ KaThYcOt ♥ said...

wow ang ganda naman!

eto naman ang akin:
http://whenmomspeaks.com/2008/07/lp-dalampasigan/
http://www.walkonred.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
http://www.kathycot.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
http://www.buhaymisis.com/2008/07/lp-dalampasigan.html

nutart said...

As we uplanders say---please do not forget the mountains and hills because everything is interrelated! With denuded mountains and hills around, coastal management will just be one frustrating job. The common thing that kills corrals (the supermarket area of fishes) is siltation.

We had appealed to several well-known NGOs to get involved with reforestations (strict as strict can be and long, long-termed) but they told us, it is easier to just focus on the coastal areas na lang...(whaa---? can't hear you!) As my husband would say "unbelievable" in German.

Reflexes said...

you've got a collection of beautiful beaches in our country...makikita dito ang ganda ng Pilipinas.

Pete Rahon said...

wow fantastic and beautiful places...ganyan ka ganda ang Pinas at dapat talagang alagaan ang ating kapaligiran mapa bundok man o karagatan..

Panaderos said...

Beautiful beaches. If we could only address the peace and order problems in our country and if the Department of Tourism would only do a more decent job of promoting the country overseas, millions of foreign tourists could easily flock to our shores.

fortuitous faery said...

lahat nakaka-engganyong puntahan! kaya naman masarap umuwi ng pilipinas...walang panama ang mga dagat dito sa amerika.

"luli"...diba yun ang palayaw ng isang anak ni GMA? hehe.

spiCes said...

grabe, now i realize na marami pa rin talaga akong hindi nakikitang kayamanan ng dagat sa bansa natin! ka-gaganda ng mga larawan lalo na ang Lu-li!

the donG said...

luna, ano nga pala top three best beaches na napuntahan mo na? salamat! dami mo na rin kasing napuntahan.

luna miranda said...

thanks for visit, kathycot!

luna miranda said...

i know what you mean, Bernadette. most of our environmental problems are man-made. in the mountains, there are illegal loggers. at sea, there's dynamite fishing, pollution, just to mention a few. there's no easy task when there's corruption and zero political will on the part of our leaders. and it's funny, because when we them on TV, they want to save the butandings, mangroves, rain forests, coral reefs, etc. but when it comes down to the nitty-gritty and funding, wala na. photo-op lang ang type nila.:D

luna miranda said...

thank you, reflexes.

luna miranda said...

sana nga ma-enjoy pa ng next generation ang ganda ng ating bayan, Pete.

luna miranda said...

the peace & order situation is being addressed i believe. pero alam mo na, one explosion of a homemade bomb in sultan kudarat would result to a travel advisory. if a tourist is well-informed, then he/she would still come here and go to boracay or cebu or palawan. of course, the dept. of tourism would tell you that they don't have enough funds to advertise abroad or join international travel shows to promote Philippine tourism. but i'm sure the current tourism secretary is doing his best.

but really, compared to Thailand or Malaysia, kulelat talaga tayo as a tourist destination. well, at least, there are now a lot of Pinoy bloggers who showcase the beauty of the Philippines. surely, it helps our tourism industry.

luna miranda said...

hi, fortuitous faery! yes, GMA's daughter is Luli. the island was not named after though.:D it's called Lu-Li Island because it appears during the summer months and disappears during rainy season.

luna miranda said...

marami pa rin akong gustong makitang beaches, ces. i hope before i'd be too old to travel, mapupuntahan ko ang ating 7,107 islands.:D

luna miranda said...

top 3...parang ang hirap yata, dong.:D ayoko kasi ng crowded beaches kaya di ako pumupunta sa boracay pag summer. mas gusto ko yong tipong "cast away" or "blue lagoon" (hehe). on top of my head, the top 3 would be:

1. talicud island near samal island in davao del norte
2. siquijor & apo island
3. malapascua

marami pa tayong beaches at mga isla na kailangan marating.:D ikaw nakarami na rin...enjoy your journey!

Lawstude said...

amazing sets of beach scenes. i love em.

lidsÜ said...

ang gaganda talaga ano? ang hirap pumili!
magandang huwebes sa'yo!

luna miranda said...

thanks for droppin' by, lawstude.

luna miranda said...

salamat, lidsu!

Princess Vien said...

ang ganda ng mga pics.

eto po sa akin..

http://www.inthespiritofdance.com/2008/07/lp-18-dalampasigan.html

linnormarikit said...

amazing Honda Bay!

celiaK said...

Hi Luna, love your pictures. :) Pero at the same time may konting kirot sa loob ko. Lumaki kasi ako sa isang barrio na sa tabing dagat. Kaya ng makita ko ang mga litrato mo bigla akong na homesick! :(

luna miranda said...

Thank you for visiting, celiak. I'm happy that you like the photos...para naman di mo makalimutan ang barrio kung saan ka lumaki. :)