Thursday, July 10, 2008

Litratong Pinoy: Balingkinitan


LP #2 - Balingkinitan
Sa mga nakalipas na panahon, halos "balingkinitan" lahat ang aking mga kaibigan. Ngunit sa paglipas ng mga taon, mabibilang na lamang sa aking isang kamay ang natitirang balingkinitan sa kanila. Kaya ang temang ito ay medyo hamon sa akin. Naisipan kong kuhanan ng litrato ang mga seksing mannequin sa mall, ngunit karamihan sa mga mannequin ay walang ulo! Kayo heto ang aking lahok sa linggong ito…ang natitira kong kaibigan na balingkinitan ang pangangatawan. :-D

In the past, almost all my friends were slender. Over time, there are only a few who remained slim. And that made this week’s theme a bit of a challenge. I thought of taking photos of sexy mannequins at the mall but most of the mannequins have no head. So here’s my entry for this week…a photo of a friend who remained slender. :-D

Location: Talicud Island, Davao del Norte

17 comments:

mirage2g said...

Pagload ng page akala ko ay yung puno ng buko ang lahok mo =D

Ganda ng pose nya diyan, balingkinitan talaga!

(btw yesterday I passed by an Indian store and saw the hookah hookahs, I remembered you! (=

linnormarikit said...

sana manatiling balingkinitan tayong lahat no? :D

ces said...

ay nawala ata ang comment ko...anyway, sabi ko bakit nga kaya ganun at lahat ata e lumalapad kapag tumatanda! kainis!

lino said...

friend mo yung coconut tree? slender din sya... :)
maligayang araw ng huwebes... :)

RoseLLe said...

witwiw! balingkinitan pa nga sya...bagay sa balinkinitang puno ng niyog.

anj said...

uy, talicud island. di pa ako nakakapunta diyan. hanggang isla reta lang.

davao ka bai?

ito ang aking lahok

leapsphotoalbum said...

Buti pa ang iyong kaibigan - nanatiling balingkinitan. Kakaunti lang ang mga taong ganyan. Kadalasan ay medyo lumulusog kapag tumatanda.

maligayang lp!

nutart said...

a friend of mine would just call her body the Rubenesque contour. Masarap yakapin daw.

pining said...

ang swerte naman ng iyong kaibigan...
good day :-)

meeya said...

pareho silang slender ng puno ng niyog na kanyang sinasandalan. :) ang swerte naman ng friend mo at napanatili nya ang kanyang pangangatawan. :)

LP Balingkinitan sa MyMemes
LP Balingkinitan sa MyFinds

Panaderos said...

Very nice shot. Was this a big island?

Btw, I have a tag for you. Please see my blog for details. Thanks in advance. :)

the donG said...

kawawa naman yung mga mannequins na yon. wala na ngang buhay wala pang ulo.

nice beach in davao. dami palang magagandang beach doon.

thess said...

what's your friend's secret? wink

Happy LP :)

julie said...

Sana ay tumagal pa ang kanyang balingkinitang katawan :)

Ang ganda naman sa lugar :)

Ner said...

kahit ang puno ay balingkinitan! ok pati ang kuha.

maligayang paglilitrato! :)

Sexy Siesta

Teys said...

uy, nakarating na ata ako dyan sa Talicud :P

happy LP!

MommyBa said...

ang ganda ng lugar at ang ganda rin ng subject :)

have a great week ahead!