Sa wakas, tapos na ang aming paghihintay nang makita ko ang paglapag ng eroplanong ito ng Cebu Pacific sa Busuanga airport. Dalawang araw kaming stranded dito noong Setyembre nang hindi makalapag ang Cebu Pacific dahil daw sa sama ng panahon. Samantala ang mga eroplano ng Air Philippines at Zest Air, pati na ang mga maliliit na Cesna planes ay nakalapag naman. Hindi maipaliwanag ng maayos ng mga ground crew ng Cebu Pacific sa mga galit na pasahero kung bakit ang eroplano lang nila ang hindi makalapag. Ang masama pa, hindi sinagot ng Cebu Pacific ang gastos sa hotel, pagkain at pamasahe ng mga stranded na pasahero sa unang araw. Dinadahilan nila ang masamang panahon, hindi daw nila sagot ang gastos ng pasahero kapag masama ang panahon at nakansela ang flight. Sa pangalawang araw, hindi na namin sila tinigilan at binayaran nila ang aming gastos sa hotel at pagkain.
Marami ang naperwisyo ng Cebu Pacific sa mga nakanselang flight. May mga dayuhang turista na napilitan bumili ng napakamahal na tiket sa Air Philippines para umabot lang sa connecting flight nila sa Manila papuntang ibang bansa. May mga balikbayan na may connecting flight din papuntang ibang probinsya. May mga budget travelers na wala ng pera. At nasayang ang dalawang araw na sana na-enjoy pa namin kaysa naghihintay lang sa airport.
Takot pala sa ambon ang mga piloto ng Cebu Pacific. Dapat kalesa lang ang minamaneho nila! Dahil sa walang kwentang serbisyo ng Cebu Pacific, nabahiran ng inis ang aming alaala ng bakasyon sa Coron. Ang hindi maasahan na serbisyo ay makakasira din sa turismo ng Calamianes.
Pinangako ko sa sarili ko na yon na ang huli kong pagsakay sa Cebu Pacific, kahit mura pa ang pamasahe nila!
Linking to Litratong Pinoy
No comments:
Post a Comment
I'm glad you found your way here. I appreciate the time you took to leave a comment. *xoxo*