Pages

Wednesday, April 7, 2010

Don't tell a lie [LP]

Don't tell a lie kung ayaw mong ma-okray! Kaya ito ay hango sa totoong buhay ng isang bakasyonista na muntik ng malunod sa pagnanais na makasakay sa bangka.

Kuha ang mga litratong ito sa dalampasigan ng Sabang, Camarines Sur. Dito ang pier papuntang Caramoan, isang isolated na bayan ng Camarines Sur. Sa dami ng turista, kawalan ng sistema, walang bangka na masakyan, umuulan pa at galing ka pa sa 12-oras na byahe---gusto mo ng mag-huramentado.


Sa haba ng pila para magpalista sa Coast Guard, wala rin palang mangyayari sa listahan kasi nag-unahan na ang mga pasahero sa pagsampa sa unang dumating na bangka. Ang mga eksenang ito ay parang nakita ko na sa pelikulang gyera ang tema--alsa balutan ang mga mamamayan at unahan sa bangka kasi dadating na ang mga Hapon.

Sumikat ang Caramoan bilang isang tourist destination, at dito rin kinunan ang 8th season ng Survivor France. Kaya nakapagtataka kung bakit di handa ang local tourism office sa pagdagsa ng turista noong Semana Santa. Maliban sa 2 Coast Guards, walang lokal na opisyal, kagawad, o tanod man lamang ng nangangasiwa sa dalampasigan. Kung ganito kahirap makapunta sa Caramoan, malamang di na babalik ang bakasyonista.

Sana ayusin muna ang sistema bago mag-advertise para di naman extra challenge ang bakasyon.

stranded na byahera

Posted for Litratong Pinoy

13 comments:

  1. Extra challenge pala yung pagpunta dyan. Pero mukhang sulit naman. =)

    ReplyDelete
  2. I agree, dapat the local government should do something to protect the lives of their visitors too. perhaps the local officials are very busy campaigning ;-)

    ReplyDelete
  3. Mukhang ang dami ng tao ah. Jan ka nag Holy Week?

    ReplyDelete
  4. Lot of people on this boat. Looks like an adventure to arrive at destination.
    I hope you enjoyed the trip :)

    ReplyDelete
  5. naku hirap palang pumunta duon. palibhasa kasi sikat na ang lugar.

    ReplyDelete
  6. Girl scout naman yung babaye, always prepared! Nakabalot sa plastik ang mga gamit, hahaha!

    ReplyDelete
  7. hello, Ebie! we bought those plastic bags from a fish vendor. ayaw na nga magbenta e.:p

    ReplyDelete
  8. @ upto6only, on a regular day daw, di naman mahirap. na-overwhelm yata sila sa dami ng turista.

    @ Sidney, the trip was exciting, the views were amazing. but when you're tired after a long trip, all you wanted was a smooth transfer. that didn't happen. but all in all, it was a great trip.

    @ Photo Cache, not in Sabang. spent my Holy Week holiday 2 hours by boat from this beach, then another hour boat ride to another island.:p

    ReplyDelete
  9. @ traceofwanderlust, may tama ka!:p

    @ witsandnuts, true, pang extra-challenge and Survivor talaga.:p

    ReplyDelete
  10. Ang ayoko pa naman e yung papaasahin ka. Sistema lang talaga

    ReplyDelete
  11. hirap mag comment dito - baka ma censor! ;)

    ReplyDelete
  12. @ emarene, sino magse-censor? si Gov. Villafuerte? LOL

    ReplyDelete
  13. aw. kainis naman yun. di ko rin kaya makipagsiksikan pag ganyan.

    we spent holy week at cam norte (calaguas island) mas orderly naman dun kaso dami rin tao.

    ReplyDelete

I'm glad you found your way here. I appreciate the time you took to leave a comment. *xoxo*