Pages

Thursday, September 17, 2009

Karatula [signboard] - Litratong Pinoy

Corny ang mga karatula ko, pagtyagaan mo na lang muna.  Mga karatula sa Seattle sa aking pag-ikot-ikot doon noong nakaraang buwan.  Ang Bell Street Pier sa Pier 66 ay malapit sa Port of Seattle.  Para itong mall--- maraming restaurants, plaza at marina sa tabi lang ng Elliott Bay.  Kitang-kita rin ang karatula ng Miners Landing sa Pier 57.  Isa rin itong arcade kung saan may mga kid-friendly attractions, shops at kainan.

Sa Pier 55 naman ang daungan ng Argosy Cruises  kung saan kami sumakay ng ferry para makatawid sa Elliott Bay at makita ang Seattle skyline after sunset.











 









Karatula sa bungad ng Hiram M. Chittenden Locks sa Ballard, isang neighborhood sa Seattle.  Sa loob ng complex ay nandon din ang isang botanical garden na ipinangalan  kay Carl S. English Jr.,  isang landscape architect, na nagsaayos nitong garden sa loob ng 43 years mula nang natapos ang locks noong 1911.  Ang Hiram M. Chittenden Locks ay kinaroroonan ng Lake Washington Ship Canal, isang landmark sa lugar na kung tawagin ay Ballard Locks.


Posted for Litratong Pinoy
















12 comments:

  1. Wow, Luna, sa dami ng karatula parang naikot mo na halos lahat na magandang tanawin diyan sa Seatle. Ganda!

    Ebie's Karatula.

    ReplyDelete
  2. Naku, buti ka pa, nakapagliwaliw na sa America! Parang gusto kong pasukin yung botanical garden, siguradong maganda :)


    Sreisaat Adventures

    ReplyDelete
  3. very informative ang lahok mo ngayon. parang ako ay may tourist guide na kasama. :)

    Salamat sa pagbisita. :)

    ReplyDelete
  4. Mukhang nakaikot ka at nag-enjoy. Galing! Happy LP!

    ReplyDelete
  5. Ganda-ganda ng mga kuha mo dito. Makapamasyal nga diyan.

    Maraming salamat LM sa pag-iwan mo ng comment duon sa LP ko.

    ReplyDelete
  6. daming karatula at naglalakihan pa! Happy LP!

    ReplyDelete
  7. You visited a lot of places during your stay in Seattle.

    ReplyDelete
  8. isa sa mga gusto kong puntahan ang Seattle! marami kasi akong kamag anak jan:) at malapit lapit sa kapatid kong nasa vancouver
    ces

    ReplyDelete
  9. parang namasyal ako ng Seattle:) maligayang LP!

    ReplyDelete
  10. Mukhang ang ganda ng mga tanawin. Pihado nag-enjoy ka sa bakasyon mo.

    Ito naman ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/09/lp-3-in-1.html

    Magandang araw!

    ReplyDelete
  11. ang ganda naman ng mga pinasyalan mo sa seattle!

    ReplyDelete
  12. You can use your sign to advertise a yard sale, put an employee's name on their desk, display your store hours or any other use that you can think of. It is very inexpensive and quick to make your own sign at home today that you can start using immediately.

    ReplyDelete

I'm glad you found your way here. I appreciate the time you took to leave a comment. *xoxo*