Pages

Thursday, May 21, 2009

Litratong Pinoy: Lahat ay Payak (everything is simple)

Dahil isa akong FBI (full blooded Ilongga), minsan kailangan kong liwanagin ang mga salitang Tagalog, katulad ng "kabalintunaan" (irony) o "sapantaha" (presumption, hunch). Gusto kong makasigurado sa "payak"---kaya tinanong ko si Sally, na taga-Bulacan, kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng "payak". At ang kanyang sagot: ang "payak" ay "thin in English". Noon ko nalaman na ang pagpapa-sexy pala ay nakakabingi!:D
Because I'm an FBI, sometimes I needed to clarify certain Tagalog words. I wanted to make sure what "payak" (simple, plain) really means, so I asked Sally who comes from Bulacan. And her answer was---"payak" is "thin in English". It dawned on me that dieting and exercise have certain side-effects, like hearing impairment!:D
Lahat ay payak---ito ang kadalasan nating ninanais lalo na kung nagiging masalimuot ang ating buhay. Sana ganon lang kadali magpapayak, este magpapayat (hehe). May mga sandali na hangad kong bumalik sa panahon ng aking kamusmusan, noong ako'y wala pang muwang sa mundo at konti lang ang aking kailangan para lumigaya.

No'ng aking kabataan, ang bahay kubo ay tila palasyo na. Payak lang ang aking mga pangarap. Bahay-bahayan, drama sa radyo at pagbabasa ng komiks ang aming libangan kapag walang pasok sa eskwela. Pamaypay na gawa sa dahon ng anahaw at buko juice lang ang katapat ng mainit na panahon. Di ko pino-problema ang bangayan ng mga senador, global warming at polusyon, di ko iniisip ang kinabukasan, o kung may ulam ba o wala. Mahimbing pa ang tulog ko noon...hindi ko iniisip ang mga batang natutulog sa kalye, o ang mga nagpapalimos para lang may makain. Hindi ko naiintindihan ang kahirapan at ang kawalan ng panlipunang katarungan. Wala akong takot sumakay sa truck na humahakot ng tubo kapag napag-iwanan ako ng huling byahe ng bus. At higit sa lahat, hindi ko pino-problema ang aking kalusugan lalo na ang aking timbang. Payak na payak pa kasi ako noon.:D
When things get complicated, we usually wish everything is simple. I wish it's that easy and simple to lose weight.:D There are times when I wish I could return to my childhood and reclaim my innocence, go back to a time when it took so little to make me happy.

As a child, a nipa hut was my whole world, it was a palace. My dreams were simple. We kept ourselves busy by playing house, listening to radio soaps, and reading comics during summer breaks. An anahaw fan and buko juice were our answer to hot and humid weather. I didn't pay attention to politics, didn't worry about global warming and pollution; I was not anxious of the future, or if there was food on the table or none. I slept like a log back then---didn't worry about street kids, didn't feel the pain of poverty and the lack of social justice. I was unafraid of strangers because I was taught that people are basically good. And most of all, I didn't worry about my health or my weight. Life was simple then, and yeah, I was thinner.:D
At itong kalesa nga pala...isang simbolo rin ng payak na pamumuhay noon, kahit di ko naman ito naabutan. Pero kapag nakakakita ako ng kalesa, naiisip ko ang payak ngunit eleganteng panahon ng ating mga lolo't lola---wala pang humaharurot na mga jeepney at tricycle noon sa ating kalsada.
And this is the calesa---a horse-drawn carriage, that in my mind, symbolizes an elegant and gentler life of our grandparents. It was an era when life was unhurried, and there were no over-speeding jeepneys and tricycles on the streets.
Posted for Litratong Pinoy

15 comments:

  1. Thanks for sharing this. How quaint and simple and lovely. I think people in general forget the simple things in life.

    ReplyDelete
  2. Very meaningful insights indeed - thanks for sharing! I especially love the calesa bit :)

    ReplyDelete
  3. Noon ay payak ang pamumuhay pero mas malalapit ang buong pamilya...ganun din ang gusto ko kahit sa maliit na bahay pero kontento na sa simpleng buhay.... (shempre singit na naman ang paraiso!) hihi. Happy LP!

    ReplyDelete
  4. ang gaganda naman ng iyong mga litrato, talagang simplicity is the real beauty!

    ReplyDelete
  5. I have photos with me as a baby in a Kalesa (we call it tartanilya sa Dumaguete) hehehehe and Ilove buko juice! especially if it's straight from the coconut and fresh from picking (?) hehehe just add a little milk and sugar and i'm good to go! yummy!

    ReplyDelete
  6. hindi na ako magpapa-payak...di bale ka-LP maganda naman at malalim ang dating ng lahok mo ngayong Linggo. patawarin mo na ang kaibigan mong payak, hehe...siguro sagot niya sa'yo di bale ng bingi, payak naman, hehe

    ReplyDelete
  7. Naalala ko tuloy yung pagbabasa ng komiks sa kwento mo. Sobrang tuwang tuwa ako sa mga funny comiks dati.
    Tama ka dun, mas ninanais natin ngayon ang payak na pamumumuhay. Kung may pagkakataon nga, sana makabalik tayo sa ganoong klase ng pamumuhay.
    Maligayang araw sa iyo.

    ReplyDelete
  8. natawa ako doon sa payak na "thin" hehehe! matakaw din ako sa komiks noon. sobrang saya na ako kapag nakakabasa ng komiks. Napaalala mo tuloy ako sa aking mga napagdaanan.

    ReplyDelete
  9. Maski na pala FBI ka ang galing mo sa Tagalog. Malalim ang Tagalog mo, kailangang hukayin ko pa ang ibang "words" para maintindihan ko LOL.

    ReplyDelete
  10. hello, bertN! one of the reasons why i love LP is the Tagalog text. i enjoy composing in Tagalog kahit hirap ako.:D marami akong references dito sa office---may taga-Batangas, taga-Bulacan, taga-Quezon (lol).

    ReplyDelete
  11. Kaya naman ako ay hindi bingi he he (^0^) Natawa na, na-inspired pa na alalahanin ang ating kapayakan nuong araw, salamat ulit sa isang akda mo na ito.

    Paki hug naman si Fritz para sa akin at hello from Charlie :)

    ReplyDelete
  12. Napakaganda nang iyong lahok sa linggong ito.

    http://mushings.wordpress.com/2009/05/22/lp-58-lahat-ay-payak-all-is-simple/
    http://mushings.blogspot.com/2009/05/lp-58-lahat-ay-payak-all-is-simple.html
    http://mushings.com

    ReplyDelete
  13. I liked your entry. Apt interpretation for the theme. Hindi pa pala ko nakasakay sa kalesa, ngayon ko lang narealized. =)

    ReplyDelete
  14. mejo malalalim na salita na iyan ha:) kabalintuna-what? haha! that buko had me at hello!:) mala-uhog db? hehe!

    ReplyDelete

I'm glad you found your way here. I appreciate the time you took to leave a comment. *xoxo*