Pages

Thursday, March 12, 2009

Litratong Pinoy: blusa/polo

Binalikan ko pa sa Kamiseta itong kulay orange na blusa noong Linggo---di ba bagay na bagay 'to ngayong summer? Buti na lang napigilan ko ang aking urge na gumastos. Nangako kasi ako sa aking sarili na bawas-bawasan ko muna ang pagbili ng damit, sapatos at bag ngayong taon habang naghihirap ang buong mundo dahil sa krisis pang-ekonomiya. At napapanahon na rin talaga na mag-ipon ako para sa aking pagtanda (parang totoo daw o!), di ba?

I counted from 1 to 20 while admiring this orange blouse at Kamiseta last Sunday---I thought it's a great top for summer. Good thing I was able to walk away before I finished counting, and was able to control my urge to spend. I promised myself to go easy on shopping for clothes, shoes and bags this year while the world is reeling from the economic crisis. And it's about time I start saving for my old age, don't you think?

At dahil na rin sa init ng panahon, ito ang paborito kong shirt ngayong summer. Hindi na ito bago pero di pa fully-depreciated 'ika nga. Maganda itong ipares sa jeans, gawa sa malambot na cotton ang tela kaya malamig sa katawan. Nagustuhan ko rin ang slim fit silhouette ng shirt na 'to at ang kanyang vintage look.

P.S. Ang hirap pala kumuha ng litrato ng damit na walang mannequin!

And this cool shirt is my favorite this summer. It's not new but it still has some mileage left. This shirt is great with jeans, it's made from soft, lightweight cotton and it's cool on the skin. I also love its slim fit silhouette and vintage look.

Posted for Litratong Pinoy

18 comments:

  1. Ganda nga yung orange na damit. hope next time na post mo yan eh suot-suot mo na. bagay yan tyak sayo. :)

    ReplyDelete
  2. wow buti napigilan mo ahaha o nga kasi madami p gastusin ngyun ahahhaha =) salamat sa pagdalawa sa pogi kong anak ahahha =)

    ReplyDelete
  3. Ganda ng orange blusa na yan. Sexy ang dating. Bagay sau yan am pretty sure. Natawa ako sa counting mo ha.

    ReplyDelete
  4. type ko rin yung orange! ako naman nahirapang kumuha ng picture ng damit, lalo na kung walang mga damit :D

    ReplyDelete
  5. type ko rin yung orange! ako naman nahirapang kumuha ng picture ng damit, lalo na kung walang mga damit :D

    ReplyDelete
  6. maganda nga siya at kahanga-hanga ang ginawa mong pagpipigil na hindi siya mabili. maligayang LP!

    ReplyDelete
  7. Hi Luna. Cute nga yung orange na blouse! Bilib naman ako sa self-control mo :)

    Sreisaat Adventures

    ReplyDelete
  8. Ganda ng paisley design.. Mukhang masarap nga suotin yan.

    ReplyDelete
  9. May ganyan ding paisley wristwatch ako na ganyang kulay at blouse si kuting naman(panganay ko!) at aliw na aliw ako sa design na yan! Gaganda, kahit ung orange pero kung ako di bagay yan hehe, happy lp!

    ReplyDelete
  10. summer na talaga hehehe

    cute ng polo :)


    HAPPY HUWEBES :)

    ReplyDelete
  11. layk ko ung orange:) nice:) kung ako rin...babalikan ko talga yan

    ReplyDelete
  12. ang cute naman nung stripes na yellow

    eto naman ang aking lahok.

    ReplyDelete
  13. "Ang hirap pala kumuha ng litrato ng damit na walang mannequin!">>> hahaha... palibhasa akoy hindi pa din nasubukang kumuha ng picture na walang mannequin. ngayon alam ko na.

    ReplyDelete
  14. Ganda nga ng orange blouse... mabuti at malakas ang self control mo - idol!

    ReplyDelete
  15. cute nga yung orange blouse!! smart and thoughtful ka dahil sa pananaw mo sa nangyayari sa kasalukuyan..kudos to you

    happy lp and enjoy your weekend!

    ReplyDelete
  16. isang challenge talaga ang pigilang mag-shopping ngayong "economic crisis"...ako naman eh hindi napigilan ang pagbili ng 75% off na boots sa macy's...clearance eh! haha!

    ReplyDelete
  17. Congrats sa pagpigil sa pagbili! Haha! Gusto ko yung kulay nung paisley shirt! :)

    ReplyDelete
  18. I just saw Shopholic [Isla Fisher] this weekend and this post reminded me of that movie and our shopping addiction.

    ReplyDelete

I'm glad you found your way here. I appreciate the time you took to leave a comment. *xoxo*