Pages

Thursday, October 30, 2008

Litratong Pinoy: Kadiliman (Darkness)


May kakaibang pakiramdam na dala ang kadiliman. Ang mga bagay na hindi karaniwang kinakatakutan sa liwanag ay parang nag-iiba ng anyo pag inaaninag sa dilim. Bakit nga ba tila may nakaabang na panganib sa dilim?

May malalim na takot na pumipigil sa atin upang subukan ang mga bagay na hindi natin alam. Mas pipiliin natin ang mga bagay at sitwasyon na alam na natin. Sa kadiliman, hindi pamilyar ang ating mga hakbang, hindi natin nasisilip ang lubak-lubak na daan, at kung ano ang nasa dako pa roon. Ngunit kadalasan, ang likas nating takot sa dilim ay nagliligtas sa atin sa kapahamakan. Mula kabataan, nakasaksak na sa isipan ko na sa madidilim na sulok ay nandon ang mga gagamba, alakdan, ahas at iba pang nakalalason na hayop. At ang mga paalala ng ating mga magulang: H’wag dumaan sa madilim na lugar, baka may holduper. Pag dumidilim ang kalangitan, ipasok sa bahay ang mga sinampay. Ang madilim na bahay ay naputulan ng kuryente---version ko pala yon...ang sabi ng nanay ko ay---ang madilim na bahay ay lapitin ng maligno. At ang peyborit ko---ang naglalaro sa dilim ay nabubuntis este nadadapa pala.

Teka, dumidilim na ang paningin ko!

Bisitahin ang Litratong Pinoy.



Taken on December 2007 at the Mall of Asia grounds.

22 comments:

  1. ang galing ng iyung narrative, at ang larawan...nakakapanindig balahibo...
    happy halloween sa yo at salamat sa pagdalaw :-)

    ReplyDelete
  2. hala at natakot naman ako sa entry mo.. makauwi na nga hehe happy LP

    http://jennytalks.com/2008/10/litratong-pinoy-kadiliman.html

    ReplyDelete
  3. lalong kakaiba nag dating ng mga larawang kuha sa sementeryo kapag may mga orbs ito..gaya ng nasa larawan mo

    happy halloween at happy lp!

    ReplyDelete
  4. naku naman! nakakatakot iyong mga litrato mo..saan ba galing yan?

    ReplyDelete
  5. Etong kuwento mo ay tamang-tama at napapanahon para sa "Halloween".

    Salamat sa komentaryo sa sinulat kong tungkol sa San-Pu Antiques Market. :)

    ReplyDelete
  6. it's halloween, sidney...we're allowed to be creepy.:D

    ReplyDelete
  7. you're welcome, asian traveler. salamat din sa pagbisita mo.

    ReplyDelete
  8. @ me, the islands and the world: sa MoA grounds lang yan, hindi sa sementeryo.:D

    ReplyDelete
  9. hi, thess! hindi ko napansin ang mga orbs. meron ba? hindi totoong sementeryo yan...set lang yan ng horror house sa MoA grounds last December, katabi ng mga rides.:D

    ReplyDelete
  10. sana nakauwi ka ng matiwasay, jennyl.:D salamat sa pagdalaw mo.

    ReplyDelete
  11. akala ko totoong sementeryo, sa mall of asia pala.

    Happy LP!

    ReplyDelete
  12. Your photos "surprise" me... But for the text, ???

    ReplyDelete
  13. lolz, ang madilim na bahay ay naputulan nga siguro ng kuryente. ^^ hahaha. happy LP!

    ReplyDelete
  14. ay katakot naman mag trick or treat diyan!

    salamat sa pagbisita mo sa blog ko.

    http://www.joarduo.com

    ReplyDelete
  15. di ko pa naranasang bumisita ng gabi sa puntod...nakakatakot nga ba?

    sana'y madalaw nyo din po ang aking mga lahok: Reflexes at
    Living In Australia

    ReplyDelete
  16. lol @ huling sentence hehe, shesha na hulo na naman ako sa pagdalaw eh, kahit di ako takot sa patay at di naniniwala sa multo, di ko pa rin gustong pumunta sa sementeryo sa gabi hehe.

    ReplyDelete
  17. "ang naglalaro sa dilim ay nabubuntis este nadadapa pala">>> hehehe... kakatuwa tong post na to. showing the lighter side of luna.

    ReplyDelete
  18. di ko na nga nailalabas ang dark side ko, dong.:D

    ReplyDelete
  19. hi, gizelle! i love visiting cemeteries at night, kakaiba ang ambiance. pero ayoko pag umuulan like what happened this past todos los santos. i also don't believe in ghosts...mas takot ako sa buhay kaysa patay.:D

    ReplyDelete
  20. @ reflexes: hindi naman nakakatakot. ang medyo nakakatakot lang, baka may holduper sa cementerio pag gabi.:D

    @ jo: salamat din sa pagdalaw mo.

    @ pao: o nagtitipid sa kuryente.:D thanks for droppin' by.

    ReplyDelete

I'm glad you found your way here. I appreciate the time you took to leave a comment. *xoxo*