Sa mga nakatira sa America na mahilig mamili sa Neiman Marcus, malamang napansin n’yo itong ginintuang salamin sa kanilang tindahan. Nasa catalog din ito ng Horchow, isang mail order catalog sa America. Nasasalamin sa disenyo ang exotic, mayaman at makulay na kultura ng Morocco ala Arabian Nights na nais ko sana sa aking bahay. Ito'y disenyo ng isang Pinoy at bawat isa ay gawa sa mga kamay ng manggawang Filipino sa isang pabrica sa Cainta.
Ang sumunod na litrato ay naging ginintuan lamang dahil sa sinag ng bombilya. Ang totoong kulay ng kabibeng mangkok ay puti at gawa ito sa bone china, isang uri ng porcelain. Gawa naman ito sa Cavite at binebenta sa mga tindahan sa America.
To those who live in America and shops at Neiman Marcus, you probably noticed this golden mirror in one of their stores. This gold mirror was also in Horchow’s mail order catalog. This Moroccan-inspired mirror captures the exotic, rich and colorful essence of Arabian Nights which I dream of having in my own home. Designed by a Filipino, and each piece is hand-crafted by Filipino craftsmen in Cainta.
The second photo was made golden by the glow of light coming from a bulb. The real color of this shell bowl is white, and it's made from bone china, a type of porcelain. This was made in Cavite and sold in stores in the U.S.
More golden photos at Litratong Pinoy.
ay bakit wala akong makita na larawan? babalik nalang ako:) d bali salamat na rin sa impormasyon!:)
ReplyDeleteAng ganda naman ng ginintuang salamin :)
ReplyDeleteHappy Huwebes!
Sadya talagang malikhain ang mga Pinoy ano? Kitang-kita naman sa mga lahok mo ngayong linggo - talinong pang-"export" talaga! :)
ReplyDeleteGandang Huwebes sa iyo!
nice effect of light on this shell. it's good that you know what the shell is made of.
ReplyDeletenice... happy thursday... :)
ReplyDeleteSobrang nakakatuwa kapag nakakakita ka ng mga magagandang bagay sa ibang parte ng mundo na gawa ng mga Pilipino. Parang gusto mong ipagmalaki.
ReplyDeleteAng ganda ng salamin na iyon at nakakatuwa naman ang effect ng ng ilaw sa iyong kabibe.
simple lang ang disenyo ng salamin, pero ang ganda talaga! happy lp sa yo!
ReplyDeleteaayy bakit wala akong makitang mga litrato? cge try ko bumalik ha ...
ReplyDeletehappy LP sa iyo :)
ay ako wala din makitang litrato
ReplyDeletei'm sorry, guys. i don't know what happened to the photos. may technical difficulty yata na di ko alam kung saan.:D
ReplyDelete