Pages

Thursday, August 14, 2008

Litratong Pinoy: Liwaliw


the famous junction of Piccadilly Circus

Ang mga litratong ito ay kuha noong ako ay nag-“liwaliw” sa London mahigit 2 taon na ang nakalilipas. Isang linggo lang ang itinigil ko sa London at may kasama pang trabaho kaya sinagad ko ang pamamasyal. May nabasa ako dati na ang sabi ay, "The way to see London is from the top of a bus." Kaya naisip kong subukan yon---at para makatipid na rin, bumili ako ng London tour bus ticket. Sa halagang 20 pounds, umikot ako sa London mula umaga hanggang gabi---may 24 oras na bisa ang ticket. Ang mga tour buses ay may 90 stops sa buong London, pwede kang bumaba sa mga lugar na gusto mong puntahan at aabangan mo ang susunod na bus para sa susunod mong pupuntahan. At may kasama pang libreng Thames River cruise!

Gumising ako ng maaga at sumakay sa double-decker bus. Ang ganda ng panahon pero ang panahon pala sa London ay mabilis magbago, bigla na lang kumulimlim at umulan. At dahil walang bubong ang itaas ng bus, lumipat sa ibaba ang mga kasama kong turista. Gusto ko rin sana sumunod pero naisip ko, minsan ko lang naman ginagawa 'yon kaya itinodo ko na. Naiwan ako sa itaas, mabuti naman at may dalang kapote ang konduktor/tour guide. Sabi ng kasama ko, para daw akong baliw na nagpapaulan para makakuha ng litrato. Natatawa rin ako pag naiisip ko---naka-kapote ako ng pula at nangunguha ng litrato habang umuulan at tumatakbo ang bus. Di ba bongga?!

Russel Hotel at Bloomsburry, one of the grandest exteriors of any London hotel

The Palace Theater, a West End theater in Westminster, open since 1891

The Royal Opera near Covent Garden


These photos were taken when I wandered around London more than 2 years ago. My stay in London was only a week so I made sure I had time to see the city. I read that “The way to see London is from the top of a bus” so I thought of giving it a try---and to save money, too, I bought a London bus tour ticket for 20 pounds which was valid for 24 hours. The tour buses had 90 stops all over London and you can hop in and hop off at any place you’re interested in. A free Thames River cruise was included…great deal!

I woke up early and hopped in a double-decker. The weather was perfect that morning but with the unpredictable London weather, suddenly it became cloudy and rained. Without a roof, the tourists ran downstairs to avoid getting wet. I almost ran downstairs, too, but when I saw the tour guide had some raincoats, I grabbed one and stayed on top of the double-decker. It’s not everyday that I’m seeing London from the top of a bus! My colleague told me later that I looked like a crazy woman on top of that bus---there I was, in a red raincoat, taking pictures under the pouring rain. Well, what’s a little rain? The experience was well worth it! :D


bagong gising at excited sa pag-liliwaliw

More "liwaliw" photos at Litratong Pinoy.

18 comments:

  1. I love London! One of my favorite cities even if it rains always.

    Happy LP!

    ReplyDelete
  2. sulit ang ginawa mong pamamasyal sa halagang 20 pounds. :)

    ReplyDelete
  3. Thanks for visting TeaReads. I love your photos of London!

    ReplyDelete
  4. Kahit ako Luna, hindi bababa ng bus! =D Napakagrandyur ng mga gusali, naku, masarap jan magliwaliw....mahal nga lang hehehe. Happy LP! ANd meron ako award for you sa Vienna Daily...;-)

    ReplyDelete
  5. Isa yan sa mga gusto kong mabisita!! I'll keep that in mind - to use the tour bus. Mukhang sulit talaga eh no?

    ReplyDelete
  6. gusto ko ring magliwaliw sa London minsan! at sumakay sa double- decker(babaw noH!!)

    ReplyDelete
  7. ganda ng mga kuha mo! yan ang isa sa gusto ko sa mga european countries, ang galing ng architecture nila!

    Ang litrato ko ngayong linggo ay kuha noong nakaraang LP eb. Daan ka DITO kung gusto mo masilip. Maraming salamat. Hapi Huwebes!

    ReplyDelete
  8. Sana makapagliwaliw din ako sa London balang araw. Ang ganda ng lugar parang gusto ko na tuloy pumunta dyan. Magliwaliw karin sa lahok ko..salamat..

    ReplyDelete
  9. Ang galing! Ang dami mong napasyalan sa itaas ng bus. Bui na nga lang , me kapote nagamit mo :)

    ReplyDelete
  10. ang sarap talaga mamasyal no???

    ReplyDelete
  11. what a wonderful trip ;)

    ReplyDelete
  12. ang ganda ng lugar gusto ko din magliwaliw jan! :)

    ReplyDelete
  13. wow. almost all my highschool barkada who are nurses are there in london. ganda nga pala talaga. thanks for sharing.

    ReplyDelete
  14. london, gusto kong marating yan... happy huwebes... :)

    ReplyDelete
  15. beautiful! ganda naman talaga ng europe.

    ReplyDelete
  16. ang ganda ng mga tanawin..sana makarating ako dyan balang araw :D

    ReplyDelete
  17. wow, gusto ko mag-visit diyan one day. thanks for the tip, yan bus tour ang gagawin namin if ever palarin kaming makapasyal ng inglatera. :)

    LP Liwaliw sa MyMemes

    LP Liwaliw sa MyFinds

    ReplyDelete
  18. It's talaga very practical to just ride buses in Europe rather than get a tourist package kung within the city proper lang naman :-)!

    I did that too in france and even saw places where the tourists are not allowed to go (hehe)...educational talaga!

    Thanks for bringing me with you around London, Luna!

    ReplyDelete

I'm glad you found your way here. I appreciate the time you took to leave a comment. *xoxo*