Thursday, December 11, 2008

Litratong Pinoy: mahalagang regalo [treasured gift]

Ang mga kaibigan ay isa sa pinaka-mahalagang regalo sa atin ng Maykapal at mayaman ako sa mabubuting kaibigan. Dahil siguro hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon mamili ng ating pamilya, bumawi sa atin ang Panginoon at binigyan tayo ng kalayaan mamili ng mga kaibigan. Tumpak ang sinabi ni Jacques Delille na, "Chance makes our parents, but choice makes our friends." At tamang-tama lang dahil kailangan natin sa buhay ng mga taong naniniwala sa atin kahit sa mga sandaling nawawala ang bilib natin sa sarili. Napakalungkot ng buhay ng walang kaibigan---walang matatawa sa corny text jokes mo, walang magpapaalala ng mga kapalpakan mo, wala kang kasabay umiyak sa sinehan, walang aalalay sa ‘yo kapag nalasing ka, at higit sa lahat, wala kang makakasama sa pagdiriwang ng iyong tagumpay.

Friends are life's treasured gifts and I am rich with good friends. We didn't choose our family so to make up for that oversight, God rewarded us with the freedom to choose our friends. Jacques Delille was right when he said, "Chance makes our parents, but choice makes our friends." And it’s just perfect…because we need people in our lives who believe in us at a time when we stopped believing in ourselves. Life will be unbearable without friends to laugh and cry with, to get drunk with and to celebrate our successes with.

Posted for
More treasured gifts at Litratong Pinoy.

20 comments:

lino said...

korek... friends are one of the most important thing in life... happy huwebes... :)

HiPnCooLMoMMa said...

tama ka, super mahalaga ang mga kaibigan na tunay.

http://hipncoolmomma.com/2008/12/mahalagang-regalo-30th-litratong-pinoy/

Sidney said...

You are right... and you are lucky to have such good friends!

sweetytots said...

oo nga... mahalaga ang mga kaibigan.. namimiss ko na sila.. Ito ang lahok ko dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong desisyon kung bibilhin ko to.. ano sa tingin nyo?Bibilhin ko ba?

Marites said...

tama ka jan at kung minsan pa nga, mas nakakasundo pa natin ang kaibigan kaysa kamag-anak, hindi ba? maligayang LP sa iyo.

pining said...

totoo yan, napakalungkot nga ng buhay kung walang kaibigan; kaya dapat natin silang i-treasure.
happy LP :-)

bernadette said...

may nagsabi rin sa akin "become a friend first, before you ask for their friendship." parang ganun...yata yung saying. there goes my memory cell again...it doesn't keep on going and going (hehe) like the duracell rabbit.

mirage2g said...

Ay totoo! Buti na nga lang pwede tayong pumili, at maganda rin kung piliin nila tayo di ba? Lalo na yung mga "sticking through ups and downs" :)

Pete Erlano Rahon said...

lalo kung walang iwanan sa mga mabo-boteng usapan hehehe... for good time and bad times - ill be on your side forever more... that's what friends are for...

Thess said...

Tunay na kaibigan ay mahirap mahanap , kaya kapag nakita na natin ay dapat bigyan ng pagpapahalaga :)

Dennis Villegas said...

well-written post. you are lucky to have many friends..and they are lucky to have you...

Jescel said...

what a nice friend. you have a lot of friends, coz you're probably a good friend yourself.. i'm glad i stumbled upon your blog.

Photo Cache said...

Oh so true. We choose our friends, we are stuck with our families, as they say.

BTW, on the second pic, the girl on the right in pink shirt/jacket looks oh so very familiar to me. I may have met her before somewhere probably in university. I cant recall her name but she looks very very familiar.

Photo Cache said...

I share your sentiments about friendship. I think they are precious gifts indeed.

BTW, on the second pic, the lady on the right with pink shirt-jacket looks very very familiar to me. I can't put a name to the face but I have a feeling that I have met her before.

luna miranda said...

Thank you, guys, for visiting and leaving your comments. Appreciate it!

luna miranda said...

hi, photo cache! my friend's name is angie. she went to either ust or ceu (i have to ask her :D), but i'm sure she took her masters at ceu.

the donG said...

napakahalaga nga ng mga kaibigan. kung minsan pa nga parang kadugo mo na.

bertN said...

I used to have a lot of friends in college and as a young professional but now in my older years, I do not have as many and the number keeps going down as they years go by. It is sad but that is the reality of life. Death comes with birth;the dying process starts when one is born. Una-una lang.

luna miranda said...

totoo yan, bertn. age makes us more discriminating. we keep fewer friends as we grow older, friends that we truly value. friendships that we developed when we were young were part of our self-discovery process, and friendships we nurture as we mature are the lasting ones.

cheh said...

Hindi ko ma imagine ang mundo kung wala tayo nito--kaibigan!:)